| AYAW SUMALI SA FRAT, KINATAY |
| Nilaslas ang leeg, may taga sa batok, lumabas ang buto sa singit at marami pang saksak sa katawan na 11 kung susumahin lahat ang inabot ng isang 16-anyos na estudyante na parang baboy na kinatay ng tatlong mga kabataan ding lalaki matapos umanong tumanggi ang biktima na sumali sa fraternity kamakalawa sa Quezon City. |
| P200M ‘tongpats’ sa C-5 gagamitin sa 2010 |
| Ito ang naging prediksyon at pangamba ni opposition Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pagkakabisto ng P200 milyong ‘tongpats’ sa extension ng South Luzon Expressway (SLEX), partikular ang C-5 Road patungong Sucat, Parañaque City. |
| Solons nasaktan sa pork |
| Nasaktan ang mga kongresista sa alegasyon na sa kanilang bulsa nauuwi ang pondo sa farm-to-market road imbes na gamitin sa paggawa ng mga kalsada sa kani-kanilang distrito. |
| GMA determinado sa DDR |
| Pinanindigan ng Palasyo ang bagong polisiya nito ukol sa pagpapairal ng Disarmament, Demobilization at Reintegration (DDR) sa sandaling buksang muli ang peace negotiations. |
| Kano naglalaway sa Mindanao |
| Kasabay ang pagkuwestiyon at planong paimbestigahan ang posibleng paglabag ng Amerika sa Visiting Forces Agreement (VFA)), ibinunyag ni opposition Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson ang matinding interes ng mga Amerikano sa Mindanao. |
| Senators saliwa ang paa sa ChaCha |
| Bagama’t nakatakdang isalang sa public hearing ang federal system, ipinagdiinan ng mga senador ang pagiging ‘saliwa ng kanilang paa’ para sayawan ang Charter change o ChaCha. |





