Sept. 09, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Solon sapaw sa bagong kasama
(Bernard Taguinod)

Nagmukhang walang silbi ang isang beteranong mambabatas dahil nasapawan na ito ng kanyang bagong kasama na nagbigay-buhay sa kanilang grupo sa Kamara sa mahabang panahon.
Ito ang obserbasyon ng DPA ng TONITE hinggil sa beteranong mambabatas na ito na nabukong walang ginawa sa nakaraang dalawang termino sa Kamara kundi magbutas lamang ng bangko.
Ayon sa DPA ng TONITE, noong nag-iisa pa lamang ang mambabatas na ito sa Kamara ay walang kabuhay-buhay ang kanyang grupo dahil hindi man lamang ito naiinterbyu sa mga mahahalagang isyu.
Lumalabas din na hindi nagri-research ang mambabatas para makagawa ng maayos na panukala na pag-uusapan ng bayan dahil walang pumatok sa kanyang mga proposed bill kung mayroon man.
Kung hindi lang sa kanyang tatay na sikat, malamang na hindi nakilala ang mambabatas na ito dahil kapag nasa loob ng session hall ay hindi man lamang nagsasalita.
Ang tanging konsuwelo lamang ng mambabatas na ito ay isinasama siya sa mga proposed bills ng kanyang bagitong kasama sa Kamara na mahilig maghain ng mga panukalang hindi maiwasang pag-usapan ng bayan.
Pero dahil hindi siya ang orihinal na awtor kundi saling-pusa lamang sa inihaing panukala, hindi ito iniinterbyu ng media dahil alam ng mga mamamahayag na hindi siya ang may gawa ng mga panukalang ito.
Ito marahil ang dahilan kaya tila hindi pinapansin ng mambabatas na ito ang kanyang baguhang kasamahan kahit magkatabi lamang ang mga ito sa iisang mesa sa Kamara.
Noong bagong salta pa lamang kasi ang bagitong kasamahan, laging kinakausap ito ng beteranong mambabatas na animo’y nagbibigay ng advice kung papaano maging congressman.
Clue: Mas sikat ang tatay ng mambabatas na ito kaysa sa kanya at kahit namumudmod ng kalendaryo na mayroon siyang larawan. Mayroon itong inisyal na R, as in Red ang buhok.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES