MAPAPANOOD ang uncut version ng pelikulang Room 213 mamayang 7:00 PM sa UP Film Center.
Tampok sa erotic drama na ito sina Allen Dizon at Gwen Garci bilang mag-asawa na nabubugnot sa kanilang pagsasama makalipas ang sampung taon.
Nasa cast din nito sina Tyron Perez at Maricar de la Fuente.
Nasa youtube ang trailer nito.
***
Sa Codename: Asero ng GMA 7, susundan ni Grecko (Richard Gutierrez) si Emily (Heart Evangelista) at ililigtas ito sa mga hoodlum.
Darating ang Blackhand terrorists. Tatamaan ng grenade launcher si Grecko pero makakalusot pa rin ito.
Pagbababarilin si Grecko ng mga terorista nito. Makakaligtas pa rin si Grecko.
Ano ang iisipin ni Emily sa bagay na ito?
***
Nakaw-eksena si Britney Spears sa 2008 Video Music Awards ng MTV (na nagdiwang ng ika-25 anibersaryo) noong Linggo sa Paramount Studios, Los Angeles, CA.
Sa walong awards na ipinamigay, nakatatlo si Britney para sa Piece of Me -- video of the year, best female video at best pop video.
Ang iba pang awards ay best male video (With You ni Chris Brown), best rock video (Shadow of the Day ng Linkin Park), best hip hop video (Lollipop ni Lil’ Wayne), best dancing in a video (When I Grow Up ng Pussycat Dolls) at best new artist (Tokio Hotel).
Maiikli ang acceptance speech ni Britney, kung saan nagpasalamat siya sa Diyos at inihandog ang kanyang awards sa kanyang fans.
Ang report na ito ay hinalaw sa AP
|