Sept. 09, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
RIZA, NAG-SORRY KAY RUFFA
Jun Lalin
 

AFTER ilang weeks na natalo sa rating games ang S.O.P. Rules, noong Linggo ay panalo na uli sila. Nakakuha sila ng 18.9% ratings kumpara sa 15.5% ratings ng A.S.A.P. ‘08.
Masaya si Annabelle Rama sa magandang ratings ng S.O.P. dahil noong Linggo ay muling um-appear sa show ang anak niyang si Richard Gutierrez.
Noong Linggo ang launching sa S.O.P. ng bagong Globe commercial ni Richard.
Nag-promote din si Richard at ang ibang cast ng Codename: Asero.
Sabi sa akin ng isang staff ng S.O.P., suwerte ang pagbabalik sa show ng bida ng Codename: Asero.
Oo nga pala, kung panalo sa ratings ang S.O.P. ay panalong-panalo rin ang premiere nights ng For The First Time nina Richard at KC Concepcion sa Glendale at Redwood City, California.
Punum-puno ng mga tao ang screenings ng For The First Time sa mga lugar na nabanggit.
Report sa akin ng mga taga-L.A., ang daming tao sa Alex Theater at marami ang hindi nakabili ng tiket dahil sold-out na.
Marami rin daw ang naghanap kay Richard.
Sa San Francisco ay punum-puno rin ng fans ang premiere ng For The First Time.
Sey ng source kung si Sheila Marie Irao (presidente ng Richard Gutierrez Fans Club), muntik na siyang maubusan ng tiket.
Eh ‘yung ibang mga kasama niya ay galing pa ng New York at Washington, huh!
Lahat daw ay tuwang-tuwa na nakita si KC, although malungkot ang fans ni Richard dahil hindi siya nakapunta sa mga lugar na ‘yon.
Ang dahilan ni Richard, kailangan niyang tapusin ang shooting ng Globe commercial niya at may dalawa pa siyang commercial na isu-shoot, kaya hindi siya pwedeng umalis.
Syempre, kahit wala siya sa mga lugar na ‘yon, hindi pwedeng hindi sila nagkumustahan ni KC.
Sey ng source ko, pa­nay ang tawagan at text sa isa’t isa nina Richard at KC.
Sa Austria premiere night ng For The First Time ay makakasama na si Richard.
***
Lumapit si Riza Santos kay Ruffa Gutierrez sa taping ng I ♥ Betty La Fea kahapon.
Nag-apologize si Riza kay Ruffa kaugnay sa pagpapahintay niya rito nang apat na oras sa taping nila ng nasabing telenobela kamakailan.
Kaagad namang pinatawad ni Ruffa si Riza.
***
Nali-link si Heart Evangelista kay Mark Villar na anak ni Sen. Manny Villar.
Nakita kasing magkasama sa isang fashion show sina Heart at Mark.
Kahit marami silang magkakasama, silang dalawa ang natsismis.
Ayaw nang patulan ni Heart ang pagli-link sa kanila ni Mark.
Hindi kasi totoo.
Ang totoo, isang kaibigan ni Mark ang nakaka-date ngayon ni Heart.
’Yung kaibigan ni Mark ang masugid na nanliligaw ngayon kay Heart at nakakasama rin ng dalaga sa ilang lakaran.
Quiet lang si Heart sa identity ng guy dahil ayaw niyang maintriga ang lalaking ‘yon.
***
Nagtataka ang young actress na ito kung saan nakuha ng kanyang ex-boyfriend ang kanyang bagong cellphone number.
Nagpalit ng cellphone number ang young actress para hindi na siya matawagan at ma-text ng kanyang ex-boyfriend, pero lately ay nag-text na naman ito sa kanya.
“Ewan ko ba sa lala­king ‘yan, ang kapal! Ang lakas ng loob niyang mag-text!” sey ng isang malapit sa young actress.
Nagbabalak si young actress na magpalit na naman ng cellphone number.
Nagtataka nga rin si young actress kung bakit sa mga interbyu ng ex-boyfriend niya ay pala­ging nadadawit siya samantalang ni hindi na niya binabanggit ang pa­ngalan ng kanyang ex-boyfriend.
***
For feedback, email junlalin@gmail.com

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES