Sept. 09, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Concert tour ni Gabby, kinansela
Joe Barrameda
 

NAKAUSAP namin si Arlene Lipana, ang co-producer ni Mommy Rose Flaminiano sa concert ni Gabby Concepcion kamakailan sa Music Museum.
Taliwas sa mga naglalabasang balita ay kumita ang concert at kaunti lang ang ipinamigay na complimentary tickets. Kami nga ay nautusan ng aming kaibigan na bumili ng 30 tickets na tig-P2,500.
Nahirapan kaming makakuha ng magandang upuan dahil nabili na ang mga magagandang lugar sa concert venue. Dahil 30 tickets ang binili namin ay nabigyan kami ng isang complimentary ticket, na ginamit ni Karen Martinez.
Noong panahong iyon ay hindi namin alam na co-producer si Mommy Rose ng concert.
Ang akala namin ay si Arlene lang ang producer.
Ewan kung bakit ayaw ipaalam ni Mommy Rose na co-producer siya rito.
Hindi rin alam ni Arlene kung bakit ayaw ipaalam ni Mommy Rose na kasosyo ito sa concert na iyon na opening salvo sana sa 20-city concert tour ni Gabby.
Naisip na lang namin na kaya ayaw ipaalam ni Mommy Rose na co-producer siya sa concert ay para makaiwas sa mga nanghihingi ng libreng tickets.
Nalaman lang ni Gabby na kasosyo si Mommy Rose nang mag-meeting sila sa ABS-CBN kung saan iniabot ni Arlene kay Mommy Rose ang kontrata about the concert.
Binasa ni Gabby ang kontrata. Doon niya nalaman na kasosyo sa concert ang manager niyang si Mommy Rose.
Nagalit daw si Gabby dahil hindi ipinaalam sa kanya na kasosyo si Mommy Rose.
Tumayo si Gabby at nag-walkout sa meeting na iyon.
Naguguluhan si Arlene. Damay siya sa problema nina Mommy Rose at Gabby.
Dahil sa mga nasusulat sa problema nina Gabby at Mommy Rose ay nawala na ang sponsors ng mga concert ni Gabby na gagawin sana sa iba’t ibang lungsod sa Pilipinas.
Malaki ang naging puhunan ni Arlene sa dala­wang gabing show ni Gabby sa Music Museum dahil napakaraming artistang binayaran.
Balak ni Arlene na bawiin ang malaking gastos sa mga upcoming concerts ni Gabby.
Eh hindi na nga matutuloy ang concert tour. Wala na kasing sponsors.
Ayaw ng sponsors na madamay sa gulong nangyayari.
***
Hindi pa man nalilimutan ang pagkamatay ni Rudy Fernandez ay namatay ang isa sa mga close friend niya na si Ramon Go.
Si Ramon na Pangyaw kung tawagin nila ay madalas naming makitang kasa-kasama ni Daboy.
Hindi pa namin alam kung ano ang ikinamatay niya although may nagsabi na nagbaril ito sa sarili.
Huli naming nakita si Ramon sa libing ni Daboy.
***
Huwag sanang sabihin nina Jennica Garcia at Mart Escudero na kailan lang sila nagkaroon ng serious relationship.
Matagal na rin silang may relasyon although hindi nila inaamin dahil siguro may nagbawal sa kanila.
Matagal-tagal na rin na madalas naming makita ang sweetness ng dalawa sa mga taping at sa iba’t ibang lugar na magkasama sila.
Mabuti naman at in-open na nila ang relasyon nila.
Madalas na sila ang magka-partner sa mga teleseryeng nilalabasan nila at maski sa mga pelikula.
Okay na rin at sila na ang permanenteng loveteam. Pero sana, may control sila.
Or else, baka mapaaga ang pag­lubog ng career nila.
Magkasama na naman sina Mart Escudero at Jennica Garcia sa telefantas­yang Gagambino ng GMA 7.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES