Sept. 09, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
ENTERTAINMENT
 

DJ Mo at Bunny, lumala ang hidwaan

Sheree, nadale ng dengue

Abu Tilamzik
 

NAPILITAN si DJ Mo Twister na magsalita sa Showbiz Central tungkol sa karamdaman ng kanyang anak kay Bunny Paras.
Sa interview ni Pia Guanio, obvious na hindi nagustuhan ni DJ Mo ang pagpapa-interview ni Bunny sa mga talk show para sagutin ang isyu ng sakit ng kanilang anak. NAPILITAN si DJ Mo Twister na magsalita sa Showbiz Central tungkol sa karamdaman ng kanyang anak kay Bunny Paras. Sa interview ni Pia Guanio, obvious na hindi nagustuhan ni DJ Mo ang pagpapa-interview ni Bunny sa mga talk show para sagutin ang isyu ng sakit ng kanilang anak. Paliwanag ni DJ Mo, hindi ito kailangang gawing showbiz issue dahil ang anak nila ang apektado at hindi sila. Agree kami kay DJ Mo sa puntong iyun dahil nakakarating ang isyung ito sa Amerika na napapanood sa TFC at GMA Pinoy TV, at posibleng pag-usapan na ito ng mga nakakilala sa kanilang anak. Okay lang daw sana kung tungkol sa kanila ang isyu, pero sakit daw ito ng kanilang anak na hindi bahagi ng showbiz. Sa panig ni Bunny, napilitan siyang magpa-interview dahil kailangan niyang linawin na hindi brain cancer ang sakit ng kanyang anak, kundi dumadaan ito sa Fisher Miller Syndrome. Ang mensahe ni DJ Mo kay Bunny, sana ay may komunikasyon sila at pinag-usapan muna nila ito bago nagpa-inteview si Bunny sa TV. May isyu pa sa dalawa pagdating sa suportang ibinibigay sa kanilang anak. Sabi ni Bunny, mas mabuting si DJ Mo na lang ang tanungin. Sagot ni DJ Mo, regular ang suportang ibinibigay niya, mahilig lang daw sa madramang sagot si Bunny. Sa halip na mag­kasundo para sa kanilang anak, panibagong isyu na naman ito na lalong nagpalala sa kanilang hidwaan. *** Lumabas na ng hospital si She­ree pagkatapos niyang ma-dengue. Ilang araw ding nasa hospital si Sheree dahil sa pabalik-balik na lagnat at nakumpirmang may dengue ito. Ang duda ni She­ree, nakuha niya ito nang mag-shooting siya sa Tondo ng isang indie movie na dinirek ni Cesar Apolinario. Ilang araw siyang inilayo sa kanilang anak pero ngayon ay okay na siya pagkatapos nakumpirmang permanent na ang platelets niya. Medyo na-tense siya nang magkasakit dahil ang concern niya ay ang anak nila ni Gian Magdangal. *** Kuwento ng isang sosyal naming kaibigan, nakatsikahan niya ang kaibigan niyang kilalang celebrity mom sa bahay nito. Ilang sandali, duma­ting ang guwapong anak ni celebrity mom na kila­lang-kilala rin. Kasama ni guwapito ang kanyang girlfriend na isang kilalang model. Lumapit ang dalawa kay celebrity mom para bumati. Humalik ang anak sa mommy niya at lumapit si model para bumeso rin. Nakangiti si celebrity mom habang bumebeso sa kanya ang model-girlfriend ng anak pero iyung ngiting nakangiwi na halatang hindi nito type. Pag-alis ng magkasintahan, bumulong si celebrity mom sa kaibigan niya, “You know that girl, parang she’s not washing her pekpek, ‘no?” Natawa nang ma­lakas ang sosyal na kaibigan dahil hindi niya akalaing sasabihin ito ni celebrity mom. Aminado ang mommy na hindi niya type ang babaeng ito sa kanyang anak pero wala raw siyang magagawa dahil obvious na nagmamahalan sila. Sa totoo lang, ilang beses nang nasangkot sa gulo ang kanyang anak dahil sa babaeng ito. *** Ilang araw nang pakonti-konti kung kumain si Paolo Contis dahil naghahanda ito sa pagrampa niya sa Cosmo party sa Huwebes. Kailangang ma-maintain niya ang ganda ng katawan at magandang abs para sexy ang da­ting. Hindi pa siya sure kung ma­tutuloy siya sa pag­rampa dahil may shooting siya sa pelikulang Single nila ni Rufa Mae Quinto. Kung maayos ang mga eksenang makunan nang maaga, baka humabol siya. Nagpaalam na rin si Dingdong Dantes sa Dyesebel kung puwede siyang umalis sandali para masamahan niya si Paolo. Gusto ni Dingdong na suportahan si Paolo dahil all-out ang suporta sa kanya ni Paolo sa Bench Blackout show. Sabi ni Paolo, sakaling hindi siya payagan ng Viva, okay lang sa kanya na hindi na siya makarampa sa Cosmo. Sa totoo lang, mas excited siya sa nomination niya bilang best actor sa Luna Awards. Itinanong sa amin ni Paolo kung tuloy na ba ang awarding sa September 28 para maipagpaalam na niya sa shooting dahil gusto niya itong daluhan.
Paliwanag ni DJ Mo, hindi ito kailangang ga­wing showbiz issue dahil ang anak nila ang apektado at hindi sila.
Agree kami kay DJ Mo sa puntong iyun dahil nakakarating ang isyung ito sa Amerika na napapanood sa TFC at GMA Pinoy TV, at posibleng pag-usapan na ito ng mga nakakilala sa kanilang anak.
Okay lang daw sana kung tungkol sa kanila ang isyu, pero sakit daw ito ng kanilang anak na hindi bahagi ng showbiz.
Sa panig ni Bunny, napilitan siyang magpa-interview dahil kailangan niyang linawin na hindi brain cancer ang sakit ng kanyang anak, kundi dumadaan ito sa Fisher Miller Syndrome.
Ang mensahe ni DJ Mo kay Bunny, sana ay may komunikasyon sila at pinag-usapan muna nila ito bago nagpa-inteview si Bunny sa TV.
May isyu pa sa dalawa pagdating sa suportang ibinibigay sa kanilang anak. Sabi ni Bunny, mas mabuting si DJ Mo na lang ang tanungin.
Sagot ni DJ Mo, regular ang suportang ibinibigay niya, mahilig lang daw sa madramang sagot si Bunny.
Sa halip na mag­kasundo para sa kanilang anak, panibagong isyu na naman ito na lalong nagpalala sa kanilang hidwaan.
***
Lumabas na ng hospital si She­ree pagkatapos niyang ma-dengue.
Ilang araw ding nasa hospital si Sheree dahil sa pabalik-balik na lagnat at nakumpirmang may dengue ito.
Ang duda ni She­ree, nakuha niya ito nang mag-shooting siya sa Tondo ng isang indie movie na dinirek ni Cesar Apolinario.
Ilang araw siyang inilayo sa kanilang anak pero ngayon ay okay na siya pagkatapos nakumpirmang permanent na ang platelets niya.
Medyo na-tense siya nang magkasakit dahil ang concern niya ay ang anak nila ni Gian Magdangal.
***
Kuwento ng isang sosyal naming kaibigan, nakatsikahan niya ang kaibigan niyang kilalang celebrity mom sa bahay nito.
Ilang sandali, duma­ting ang guwapong anak ni celebrity mom na kila­lang-kilala rin.
Kasama ni guwapito ang kanyang girlfriend na isang kilalang model.
Lumapit ang dalawa kay celebrity mom para bumati. Humalik ang anak sa mommy niya at lumapit si model para bumeso rin.
Nakangiti si celebrity mom habang bumebeso sa kanya ang model-girlfriend ng anak pero iyung ngiting nakangiwi na halatang hindi nito type.
Pag-alis ng magkasintahan, bumulong si celebrity mom sa kaibigan niya, “You know that girl, parang she’s not washing her pekpek, ‘no?”
Natawa nang ma­lakas ang sosyal na kaibigan dahil hindi niya akalaing sasabihin ito ni celebrity mom.
Aminado ang mommy na hindi niya type ang babaeng ito sa kanyang anak pero wala raw siyang magagawa dahil obvious na nagmamahalan sila.
Sa totoo lang, ilang beses nang nasangkot sa gulo ang kanyang anak dahil sa babaeng ito.
***
Ilang araw nang pakonti-konti kung kumain si Paolo Contis dahil naghahanda ito sa pagrampa niya sa Cosmo party sa Huwebes.
Kailangang ma-maintain niya ang ganda ng katawan at magandang abs para sexy ang da­ting.
Hindi pa siya sure kung ma­tutuloy siya sa pag­rampa dahil may shooting siya sa pelikulang Single nila ni Rufa Mae Quinto.
Kung maayos ang mga eksenang makunan nang maaga, baka humabol siya.
Nagpaalam na rin si Dingdong Dantes sa Dyesebel kung puwede siyang umalis sandali para masamahan niya si Paolo.
Gusto ni Dingdong na suportahan si Paolo dahil all-out ang suporta sa kanya ni Paolo sa Bench Blackout show.
Sabi ni Paolo, sakaling hindi siya payagan ng Viva, okay lang sa kanya na hindi na siya makarampa sa Cosmo.
Sa totoo lang, mas excited siya sa nomination niya bilang best actor sa Luna Awards.
Itinanong sa amin ni Paolo kung tuloy na ba ang awarding sa September 28 para maipagpaalam na niya sa shooting dahil gusto niya itong daluhan.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES