|
PINAKABAGONG VIDEO NI BIN LADEN SENYALES NG PANIBAGONG ATAKE NG AL-QAEDA Protesta sa APEC; 2 pulis sugatan, 9 demonstrador arestado
|
WORLD
TONITE
Protesta sa APEC; 2 pulis sugatan, 9 demonstrador arestado (AP) SYDNEY --- Sugatan ang dalawang pulis habang siyam namang demonstrador ang inaresto nang magpang-abot ang pulisya at mga nagpoprotesta sa kasagsagan ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Sydney kahapon. Nasa 5,000-katao mula sa iba’t ibang nasyon ang nagsagawa ng kilos-protesta bilang pagtuligsa sa panggigiyera sa bansang Iraq. Ayon sa ulat, isa sa dalawang sugatang pulis ang agad na isinugod sa pagamutan upang lapatan ng karampatang lunas. Pinaniniwalaang nagkagulo bunsod ng matinding seguridad na ipinaiiral ng Australian government sa mga delegado ng APEC. Bagama’t nauwi sa karahasan, bigo pa rin ang mga demonstrador na makapagdaos ng protesta sa mismong lugar kung saan nagaganap ang APEC Summit. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|