PINAKABAGONG VIDEO NI BIN LADEN SENYALES NG PANIBAGONG ATAKE NG AL-QAEDA

Protesta sa APEC; 2 pulis sugatan, 9 demonstrador arestado


Hulaan Blues

Crime Stories

Top Stories

Balitang Promdi


 

WORLD TONITE

PINAKABAGONG VIDEO NI BIN LADEN SENYALES NG PANIBAGONG ATAKE NG AL-QAEDA


LONDON --- Pagtalikod sa Kalashnikov at pagpapakulay sa kanyang balbas mula abo (gray) patungong itim.

Ganito iprinisinta ni Osama bin Laden, lider ng al-Qaeda, ang kanyang bagong imahe sa buong mundo sa pamamagitan ng isang video na ang ibig sabihin ay isang malaking banta para sa bagong atake ng al-Qaeda.

Sa kalahating oras na video na ipinalabas apat na araw bago ang paggunita sa ika-anim na taong anibersaryo ng September 11 attack sa Estados Unidos, nagsalaysay si Bin Laden, nagbigay ng leksyon at sermon na humihikayat sa mga Amerikano na talikdan na ang capitalist democracy at yakapin ang Islam kung gusto nilang tapusin ang giyera sa Iraq.

Ayon naman sa mga analysts, ang video na matagal nang hinihintay ay kauna-unahan sa loob ng may tatlong taon nitong pag-iingay.

Isa rin umano itong malinaw na pruweba sa alegasyong patay na ito.

"He appeared without the military camouflage jacket he used to wear, without his favorite Kalashnikov which he captured from a Soviet general during the Afghan war," ani Abdel Bari Atwan, London-based editor-in-chief ng Arabic newspaper al-Quds.

Sa pamamagitan ng pagtina o pagkulay sa kanyang buhok at balbas at pagsuot ng Arabic robes, pinipilit ni Bin Laden na bumuo ng bagong anyo. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top