|
ARMM DPWH OFFICIAL TINAMBANGAN Magkapatid na killer todas sa shootout P.5M tinangay sa Koreano at Hapon
|
BALITANG
PROMDI
‘Kotong cop’ dinakma (Bell Desolo) CAMP VICENTE LIM, Laguna --- Inaresto ng mga operatiba ng Regional Special Operations Group sa ilalim ng commanding officer na si Supt. Roger James Brilliantes ang isang aktibong pulis na nakatalaga sa Morong, Rizal kaugnay ng pagtanggap nito ng pera mula sa complainant kamakalawa ng gabi. Positibong kinilala ni Chief Inspector Jesus Kabigting, executive officer, ang suspek na si PO1 Erich Victor Flores y Verano, 29, may-asawa, taga-Barangay Looc, Cardona, Rizal na nakatalaga sa Morong Municipal Police sa Morong, Rizal. Sa imbestigasyon ni SPO3 Eric Romanillos, may-hawak ng kaso, nagtungo umano sa RSOG office si Hermino Feliciano at inireklamo si Flores dahil sa paghingi sa kanya ng huli ng P12,000 upang hindi na nito isampa ang hawak nitong kasong "attempted homicide" laban sa una. Dahil dito, mabilis na kumilos ang grupo at sa pangunguna ni P/Insp. Marcelino Pipo, team leader, ay isinagawa ang operasyon kung saan nang makita ang mga pulis ay nagtangka pang lumaban subalit nagresulta sa pagkaaresto sa suspek at pagkabawi ng dalawang piraso ng tig-P500.00 kasama ng "bogus money". |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|