|
ARMM DPWH OFFICIAL TINAMBANGAN Magkapatid na killer todas sa shootout P.5M tinangay sa Koreano at Hapon
|
BALITANG
PROMDI
50 kalansay nahukay (Nilo Marasigan) Mahigit 50 kalansay ng tao ang aksidenteng nahukay sa nadiskubreng mass grave sa loob mismo ng compound ng isang eskuwelahan sa Zamboanga City. Ayon sa report, kamakalawa habang abalang naghuhukay ang mga construction workers sa loob ng Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology nang makalkal sa may anim na talampakang lalim ang patung-patong na skeletal remains. Sinasabing basag ang mga panga gayundin ang bungo ng mga narekober na kalansay dahilan para hilingin ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat sa forensic experts ng National Bureau of Investigation na eksaminin ang mga ito para matukoy ang edad at sanhi ng ikinamatay. Pansamantalang inilagak sa punerarya sa siyudad ang mga skeletal remains ng mga nabanggit para sa kaukulang disposisyon bago isalang sa pagsusuri ng forensic experts ng NBI. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|