ARMM DPWH OFFICIAL TINAMBANGAN

Magkapatid na killer todas sa shootout

P.5M tinangay sa Koreano at Hapon

50 kalansay nahukay

‘Kotong cop’ dinakma


Hulaan Blues

Crime Stories

World Tonite

Top stories


 

BALITANG PROMDI

P.5M tinangay sa Koreano at Hapon

(Romeo Braceros Jr.)


DAVAO CITY --- Natangayan ng may kalahating milyong piso ang isang Korean at Japanese national matapos umanong holdapin ng dalawang Pinoy na magpapapalit sana ng tseke sa mga dayuhan sa Barangay Alejal, Carme, Davao del Norte.

Sa ulat ng Carmen police, hinoldap umano nina Rolly Canete at Silvestre Dakil ang Koreanong si Park In Kyu at Hapon na si Yoshyasu Ho Human noong Setyembre 6.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dinala ang mga dayuhan ng mga suspek sa isang bahay sa lugar na nabanggit para ipalit ang tseke na nagkakahalaga ng P500,000.

Pagdating sa nasabing lugar ay nabigla umano ang dalawang dayuhan nang sa halip na tseke ay baril ang bumungad sa kanila bago hinoldap.

Dahil sa takot, hindi nanlaban ang mga biktima sa dalawa na mabilis ding tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Isang hot-pursuit operation ang isinagawa ng mga awtoridad para maaresto ang mga kawatan.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top