|
ARMM DPWH OFFICIAL TINAMBANGAN Magkapatid na killer todas sa shootout P.5M tinangay sa Koreano at Hapon
|
BALITANG
PROMDI
Magkapatid na killer todas sa shootout (Romeo Braceros, Jr.) DAVAO CITY --- Todas ang isang 27-anyos na lalaki at kapatid nitong lalaki matapos makipagbarilan sa mga awtoridad na aaresto sa kanila dahil sa kasong pagpatay sa Barangay Katipunan, Nabunturan, Compostela Valley province. Kinilala ng Nabunturan police ang mga napaslang na sina Lamberto Dayanan at Sabino Dayanan na nabaril ng mga rumespondeng pulis, umaga nitong Setyembre 7. Base sa ulat ng pulisya, nanlaban umano ang magkapatid nang sila ay aarestuhin ng Nabunturan police. Bago ang engkuwentro ay binaril hanggang sa mapatay ng magkapatid ang isang Frederico Romero sa Poblacion, Nabunturan, Compostela Valley province ng araw din na iyon. Ayon sa pulisya, naglalakad lamang si Romero nang pagbabarilin ng nakamotorsiklong magkakapatid. Matapos ang pamamaril ay nakatanggap ng tip ang pulisya na nagtago sa Barangay Katipunan ng nasabing bayan ang mga suspek kaya agad nila itong pinuntahan. Nakumpirmang nagtatago nga ang dalawa kaya pinasuko ang mga ito ng mga awtoridad subalit nanlaban at nakipagpalitan ng putok sa pulisya. Sa barilang naganap, tinamaan at napuruhan ang magkapatid na sinasabing kilabot na hired killers sa probinsya ng Compostela Valley. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|