GLORIA NAMUMURO SA PLUNDER

Pagbabayad sa Marcos victims pinamamadali

‘Bata’ ni Gloria itatago sa Garci probe

Preparasyon ng Comelec sa bgy. polls tuloy

Amnesty program ‘di papatok


Hulaan Blues

Crime Stories

World Tonite

Balitang Promdi


 

TOP STORIES

Amnesty program ‘di papatok

(Bernard Taguinod)


Hindi papatok ang amnesty program na isinusulong ng Malacańang hangga’t hindi nauugat ang problema ng rebelyon sa bansa partikular ang kahirapan at kawalang katarungan.

Ito ang reaksyon ng mga militanteng kongresista kasunod ng nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na Presidential Proclamation No.1377 na nag-aalok ng amnestiya sa mga rebeldeng komunista sa bansa.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo, bagama’t wala silang tutol sa nasabing amnestiya, hindi ito ang sagot para talikuran na ng rebeldeng komunista ang kanilang pakikibaka.

"Hangga’t walang justice at tuloy ang kahirapan, marami ang matutuksong magrebelde," ani Ocampo.

Maging si Gabriela party-list Rep. Liza Maza ay diskumpiyado sa amnesty program ng gobyernong Arroyo. "Ugatin muna ang problema kung bakit nagkakaroon ng rebelde. Automatic na mawawala ang rebelyon kung walang kahirapan," pahayag ni Maza. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top