GLORIA NAMUMURO SA PLUNDER

Pagbabayad sa Marcos victims pinamamadali

‘Bata’ ni Gloria itatago sa Garci probe

Preparasyon ng Comelec sa bgy. polls tuloy

Amnesty program ‘di papatok


Hulaan Blues

Crime Stories

World Tonite

Balitang Promdi


 

TOP STORIES

Preparasyon ng Comelec sa bgy. polls tuloy

(Irish Ann Cruz)


Sa kabila ng mainit pa ring pag-uusap sa Kamara kung itutuloy o hindi ang nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Oktubre 29, inilagay nang muli ng Commission on Elections (Comelec) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng kanilang kontrol bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon.

Base sa ipinalabas na resolusyon ng komisyon kamakailan, sinabi nito na pitong araw matapos ang kumpletong publication ng nasabing kautusan ay sasailalim na sa kanilang kontrol at superbisyon ang mga nasabing law enforcement agencies ng pamahalaan.

Anang Comelec en banc, na siyang nagpalabas ng nasabing resolusyon, layon ng naturang hakbang na matiyak ang malaya, maayos, kapani-paniwala at tahimik na eleksyon sa darating na Oktubre 29.

Pangunahing magiging tungkulin ng PNP ang magbigay ng seguridad sa mga election officers, polling places, magiging miyembro ng Board of Election Tellers (BET) at maging ng mga botante. Ito rin ang magpapatupad ng gun ban at pagbabawal sa mga ilegal na campaign materials sa panahon ng eleksyon.

Samantala, pangunahing tungkulin naman ng AFP na magsagawa ng mga checkpoints sa mga lugar na papangalanan ng komisyon at sa mga areas na tinatayang mayroong "serious armed threats".

Kabilang din naman sa mga ahensiyang binanggit sa nasabing resolusyon bilang mga Comelec deputies ay ang National Bureau of Investigation at Bureau of Jail Management and Penology. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top