|
Pagbabayad sa Marcos victims pinamamadali ‘Bata’ ni Gloria itatago sa Garci probe Preparasyon ng Comelec sa bgy. polls tuloy
|
TOP
STORIES
‘Bata’ ni Gloria itatago sa Garci probe (Bernard Taguinod/Boyet Jadulco) Mamumuti ang mga mata ng mga senador subalit hindi ilalantad ng Malacañang ang panibagong karakter sa "Hello Garci" scandal na umano’y malapit na tauhan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Remedios "Medy" Poblador. Ito ang sinabi ng isang impormante ng TONITE sa Kamara kung saan nagtatrabaho si Medy bilang staff ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na nakabase sa Batasan Complex. "I don’t think she will surface. Maybe she’s now under the protection of Malacañang," pahayag ng impormante matapos pangalanan ni dating T/Sgt. Vidal Doble si Poblador na umano’y nagkaroon ng mahalagang papel nang agawin siya kay dating NBI deputy director Samuel Ong. Base sa salaysay ni Doble sa Joint Senate Committee hearing, si ‘Medy’ ang umayos sa lahat ng kanyang pangangailangan tulad ng sasakyan nang kunin siya ng gobyerno sa San Carlos Seminary. "Hindi basta-basta pakakawalan iyan na walang briefing," dagdag pa ng impormante kaya hindi ito umaasa na mapapaharap ng Senado ang nasabing confidante ni Arroyo. Ayon pa sa impormante, ang mga empleyadong tulad ni Poblador ay madaling kumanta kaya malamang na hindi papayag ang Malacañang na paharapin ito sa Senado. "Kasama siya sa sakop ng Executive Order 464 at kapag pinayagan iyan na magsalita, baka ikanta niya ang hindi dapat ikanta," pahayag ng impormante na hindi na nagpabanggit ng pangalan kapalit ng impormasyong ito. Ganito rin ang naging pahayag ni Sen. Panfilo Lacson na naniniwalang hindi malayong mag-ala- "Garci" (dating Comelec commissioner Virgilio Garcillano) si Poblador na nagtago nang matagal na panahon at saka lamang lumantad nang kabisado na nito ang mga dapat sabihin sa imbestigasyon. Ayon kay Lacson, kung hindi natatakot na mabuko si Poblador ay lumantad na sana ito para magpaliwanag sa naging papel nito sa pagbawi kay Doble sa San Carlos Seminary noong Hunyo 2005. "Baka inaayos pa ang script bago siya magsalita," sambit ng senador. "Kung ang trabaho niya ay sa Batasan, parang hindi saklaw ng tungkulin niyang mag-dispatch ng helicopter para dalhin si Bishop Soc sa San Carlos Seminary," pag-uusisa ni Lacson. Aniya, niloko rin umano ni Poblador si Villegas nang kanyang sabihin dito na susugurin na ng militar ang seminaryo upang puwersahang kunin sina Doble at Ong subalit ang katotohanan ay wala namang ganitong balak ang pamunuan noon ni Gen. Efren Abu. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|