GLORIA NAMUMURO SA PLUNDER

Pagbabayad sa Marcos victims pinamamadali

‘Bata’ ni Gloria itatago sa Garci probe

Preparasyon ng Comelec sa bgy. polls tuloy

Amnesty program ‘di papatok


Hulaan Blues

Crime Stories

World Tonite

Balitang Promdi


 

TOP STORIES


Ang mga armadong combat engineers nang dumaong kahapon sa Dangcalan wharf sa Lamitan City. Ang joint Air Force and Navy military engineering battalion ay ipinadala sa Basilan upang magsagawa ng full-scale development program para sa muling pagtatayo at rehabilitasyon ng mga nasirang imprastraktura. (AFP photo)

GLORIA NAMUMURO SA PLUNDER

(Bernard Taguinod)


Uulan ng plunder case at masasapol si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa sandaling gumulong na ang imbestigasyon sa broadband scam na kinasasangkutan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos.

Samantala, kinumpirma ni Senate minority leader Aquilino "Nene" Pimentel, Jr. na isa sa mga pangunahing tetestigo sa Senado sa naturang iskandalo ang mismong anak ni House Speaker Jose de Venecia.

Sa panayam ng TONITE kay Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casiño, sinabi nitong uulan ng plunder case at posibleng umabot ito kay Pangulong Arroyo kapag napatunayan ang suhulan sa broadband deal.

Sa ilalim ng batas, P50 milyon lamang ang halagang sangkot para masampahan ng plunder case ang isang opisyal ng gobyerno tulad ng kasong kinakaharap ni dating Pangulong Joseph Estrada.

"Kung amount lang ang pag-uusapan, lampas-lampas sa minimum P50 milyon ang pinag-uusapang kickback," pahayag ni Casiño sa TONITE subalit kailangan umanong patunayan na nagkaabutan ng pera.

"Wala pang proof that money changed hands. That would be proven muna," ani Casiño.

"Kung si Joey de Venecia ay inoperan ng ganyang kalaking suhol, baka ano pa kaya sa mga involved sa project na iyan. ‘Di rin puwedeng hindi maambunan ang pinakamataas," pahayag pa ni Casiño.

Isa pa aniya sa puwedeng dahilan kung bakit maaaring sumabit si Arroyo sa naturang iskandalo ay dahil sinaksihan nito ang lagdaan ng kontrata sa pagitan ng Pilipinas at ZTE Corporation ng China nang magtungo ito sa Boa, China habang nakaratay sa St. Luke’s Medical Center ang kanyang mister na si First Gentleman Mike Arroyo noong Abril.

Nang tanungin kung maaaring magamit din ang kaso ng broadband project para sampahan ng impeachment complaint si Arroyo ay sinabi ng mambabatas na "hindi malayo".

"Siya mismo ang saksi sa paglagda ng kontrata. Kung maanomalya ang kontrata, sasabit siya at baka maging dahilan pa iyan ng impeachment 3," ani Casiño.

Samantala, nangako umano ang anak ni De Venecia na tetestigo sa Senate Blue Ribbon committee upang idiin si Abalos hinggil sa panunuhol ng US$10 milyon sa kontrobersyal na National Broadband Network (NBN) contract.

Nangako rin umano si Jose "Joey" de Venecia III na ilalantad ang iba pang baho ni Abalos sa pagpapadrino nito sa ZTE para lamang makuha ang kontrata.

Ang Senate Blue Ribbon committee na pinamumunuan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang mag-iimbestiga sa kurakutan sa broadband deal matapos na maghain ng resolusyon si Senate minority leader Aquilino Pimentel, Jr. upang maimbestigahan ito.

"Isa siya sa vital witness. He promised me he’d attend," ani Pimentel sa panayam.

Ang nakababatang De Venecia ay isa sa stockholder ng Amsterdam Holdings Inc. (AHI), isa sa korporasyong natalo sa bidding ng US$329 milyong NBN project. Umangal ang AHI, pati na ang natalong American firm na Arescom, dahil mas mababa ang kanilang bid sa naturang proyekto kumpara sa ZTE na nagpasa ng mataas na bid price sa proyekto.

Itinanggi na ni Abalos ang bintang na tinangka niyang suhulan si De Venecia kasabay ng babala na sasampahan niya ito ng kasong libelo.

Bukod kay De Venecia, may isa pang testigong ihaharap si Sen. Panfilo Lacson para patotohanan ang bintang ng kurakutan sa nasabing kontrata. Ang orihinal na halaga lamang umano ng kontrata ay nasa US$132 milyon subalit ito’y tumaas sa US$329 milyon dahil sa "patong" ng isang "Comelec official" at ng "little one" at "big one" ng Malacañang.

Sa kabila ng pagtanggi ni Abalos na siya ang nagpadrino sa ZTE, umamin naman ito na nagkasama sila sa biyahe sa China ng mga opisyales ng korporasyong ito pero wala umanong katotohanan na niregaluhan siya ng "magaganda at batang babae". (W/Boyet Jadulco)

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top