|
|
HULAAN
BLUES
Cabinet secretary nagpahintay sa eroplano (Bernard Taguinod)
Ito ang natuklasan ng DPA ng TONITE nang paghintayin ng gabinete ni Arroyo ang kanyang mga kapwa pasahero nang umuwi ito sa lalawigan sa Cebu kamakalawa ng gabi. Ang mokong na maaaring tawaging "the late secretary" ay isa sa mga nakalista sa listahan ng mga pasaherong papuntang Cebu sa Philippine Airlines (PAL). Subalit nasa loob na ng eroplano ang kanyang mga kapwa pasahero ay wala pang pumapasok na Secretary kaya napilitan ang pamunuan ng airport na i-page ang mokong. Makailang beses na tinawag ang pangalan ni Secretary para ipaalam sa kanya na siya na lamang ang hinihintay ng eroplano na isang kahiya-hiyang sitwasyon para sa isang katulad niya na may mataas na posisyon pa mandin sa gobyerno. Walang makitang dahilan ang DPA ng TONITE kung bakit kailangan pang i-page si Secretary kundi late ito at hindi marunong sumunod sa patakaran ng airport na kailangang naka-check in na ito isang oras bago lumipad ang eroplano. Maliban dito, wala sa posisyon ang kalihim na pahintayin ang kanyang mga kapwa pasahero dahil nagbayad ang mga ito ng pasahe as in hindi inilibre ng mokong. Imposible ring naantala ang pagpasok ni Secretary dahil sa mahigpit na security measure sa mga paliparan na kailangan pang hubarin ang sapatos at mga gamit sa katawan bago dumaan sa x-ray machines. Mayroon kasing VIP lane na dinadaanan ng mga tulad niyang opisyales ng gobyerno at hindi pinaghuhubad ng sapatos tulad ng ginagawa sa mga pasahero. Dahil dito, siyento porsyentong late ang kumag at hindi inaalala ang kapakanan ng kanyang mga kapwa pasahero at kung nasa loob man ito ng airport ay malamang na nagpaka-VIP as in nagpaka-importante kaya hindi agad nakalipad ang eroplano. Clue: Si Secretary ay dating congressman na ang isa sa pangarap sa buhay ay maging judge sa mga beauty pageant tulad ng Miss Universe. Mayroon itong inisyal na A as in tawag sa pinakamataas na baraha. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|