|
PNP dapat bantayan sa Erap verdict -- solon Chop-chop lady isasalang sa DNA test Bebot na mandurukot timbog sa estudyante Pulis arestado sa pangongotong Isnatser swak sa patalim at bala
|
CRIME
STORIES
Isnatser swak sa patalim at bala (Aries Cano) Balik sa selda ang isang lalaking miyembro ng Sputnik Gang na labas-masok na umano sa kulungan sanhi ng pagkakasangkot sa mga kaso ng robbery-snatching makaraang muli itong madakip nang matiyempuhan habang armado ng patalim at bala sa Maynila kahapon. Nakilala ang nadakip na suspek na si Danilo Tiamson y Nicolas, 36-anyos, may-asawa, walang trabaho, taga-2638 Lico St., Tondo, Maynila. Si Tiamson ay nahaharap sa kasong illegal possession of ammunition at concealing deadly weapon matapos makuhanan ng isang stainless na kutsilyo at bala ng .38 kalibre na baril. Sa ulat, suspetyoso umano ang kilos ng naturang suspek na tila may inaabangan sa kahabaan ng Rizal Avenue malapit sa Cavite St., Sta. Cruz, Maynila. Sinita ni PO1 Joey Buscas ng Blumentritt Police Community Precinct ang suspek at nabulabog ito. Akmang eeskapo at patakbo na umano ang suspek nang dambahin ng naturang pulis. Narekober sa suspek ang mga naturang ebidensiya. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|