3 LALAKI SINALVAGE SA TAGUIG

PNP dapat bantayan sa Erap verdict -- solon

Chop-chop lady isasalang sa DNA test

Bebot na mandurukot timbog sa estudyante

Pulis arestado sa pangongotong

Isnatser swak sa patalim at bala


Top Stories

Hulaan Blues

World Tonite

Balitang Promdi


 

CRIME STORIES

Pulis arestado sa pangongotong

(Irwin Corpuz)


Kulungan ang kinasadlakan ng isang bagitong pulis makaraang isailalim ito sa entrapment operation ng kanyang mga kabaro dahil sa reklamo ng isang negosyante na hinihingian umano ng pera ng suspek na parak upang maisaayos ang kasong kinakaharap ng huli sa Morong, Rizal.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Rizal Police Provincial director, Sr. Supt. Freddie Panen, ang suspek na inireklamo ng negosyanteng si Hermino Feliciano ay nakilalang si PO1 Erich Victor Flores na nakatalaga sa Morong Police Station.

Kamakalawa ng gabi isinailalim sa entrapment operation si PO1 Flores.

Nabatid na nahaharap sa isang reklamo ang negosyanteng si Feliciano at si PO1 Flores ang imbestigador ng kaso. Hinimok umano ni PO1 Flores si Feliciano na magbigay lamang ito ng pera at maaayos na ang kinakaharap na kaso.

Subalit dahil sa malaking perang hinihingi na nagkakahalaga ng P24,000, dumulog sa Regional Special Operations Group (RSOG) si Feliciano. Bumuo naman ng sistema ang mga operatiba ng RSOG para mabitag sa entrapment operation ang inirereklamong pulis.

Napagkasunduan ng mga ito na magkikita sa isang lugar sa Bgy. Looc, Morong. Sa naturang pagkikita dinampot at agarang inaresto ng mga operatiba si PO1 Flores makaraang iabot ni Feliciano ang hinihinging pera. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top