|
PNP dapat bantayan sa Erap verdict -- solon Chop-chop lady isasalang sa DNA test Bebot na mandurukot timbog sa estudyante Pulis arestado sa pangongotong Isnatser swak sa patalim at bala
|
CRIME
STORIES
Bebot na mandurukot timbog sa estudyante (Aries Cano) Natimbog ang isang babaeng mandurukot matapos itong hulihin ng mismong dalagang estudyante na kanyang biniktima malapit sa simbahan ng Quiapo sa Maynila kahapon ng hapon. Inireklamo ng biktimang si Bae Sally M. Camar, 20-anyos at taga-Taguig City ang nadakip na suspek na si Dina C. Dela Cruz, 32-anyos, dalaga, walang trabaho at residente pa umano ng Makati City. Batay sa paunang imbestigasyon ni SPO4 Romualdo Atienza ng Manila Police District-Station 3, dakong alas-4:30 ng hapon kahapon nang mahuli sa akto ang suspek habang kinakalikot, kinakalkal at pilit na kinakalawit ang laman ng kulay brown na bag ng biktima sa Plaza Miranda, Quiapo, Maynila. Namimili umano ang biktima malapit sa Quiapo Church nang maramdaman nito ang tila mabigat na nakadagan at malikot na kamay na nakasuksok sa kanyang bag. Kung hindi umano naging maagap ang biktima ay matagumpay na nakulimbat ng suspek ang isang digital camera (Canon) na may halagang P21,000, MP4 player na nagkakahalaga ng P1,500, isang USB (P1,800) at P70. Mas malaki umano ang biktima sa suspek kaya nang hawakan ng una ang huli ay hindi na ito nakaporma. Una muna umanong dinala ng biktima ang nahuli nitong suspek sa Plaza Miranda PCP bago tuluyang itinurn-over sa MPD-Station 3. Kaakibat ng pagkakahuli sa suspek ay nabawi rin ang gamit ng biktima. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|