3 LALAKI SINALVAGE SA TAGUIG

PNP dapat bantayan sa Erap verdict -- solon

Chop-chop lady isasalang sa DNA test

Bebot na mandurukot timbog sa estudyante

Pulis arestado sa pangongotong

Isnatser swak sa patalim at bala


Top Stories

Hulaan Blues

World Tonite

Balitang Promdi


 

CRIME STORIES

Chop-chop lady isasalang sa DNA test

(Vladi Eduarte)


Isasailalim sa DNA (deoxyribonucleic acid) test ang chop-chop body ng babae na natagpuan ang mga piraso sa Parañaque at Cavite sa pag-asang matukoy na ang pagkakakilanlan dito.

Ayon kay PO2 Johnny Margate ng Parañaque Police-Station Investigation Division, kahapon ay nagsadya sa kanilang tanggapan sina Renato dela Torre at ilang kaanak at nagbaka-sakali na maa-identify nila ang bangkay.

Ang anak daw kasi ni Renato na si Mary Anne Dela Torre, 26, ay nawawala mula nang umalis sa kanilang bahay sa Cecilia St., Bgy. 175, Brixtown Ville, Camarin, Caloocan City noon pang Agosto 28 at mula noon ay hindi na nakita.

Si Mary Anne ay mayroon umanong pitong anak, at operada dahil nagpa-ligate ito.

Bagama’t sinabi ng Scene of the Crime Operation na may bakas ng opera sa ibaba ng tiyan ng torso na natagpuan, hindi pa masiguro kung ito nga si Mary Anne dahil namamaga at halos naaagnas o decomposed na ang bangkay, nagsisimula nang matanggal ang mga balat.

Unang natagpuan ang torso ng babae, putol ang ulo, mga braso, at mga hita, na nakasilid sa sako sa baybayin ng Diosdado Macapagal Avenue , Parañaque, noong Setyembre 4.

Kinabukasan, dalawang hita ng tao ang magkasunod na natagpuan na parehong inaanod sa mga baybayin ng Big Island, Bgy. San Dionisio, Parañaque, at sa Noveletta, Cavite.

Dahil nawawala pa ang ulo at mga kamay, walang makuhanan ng fingerprints at positive identification kaya hindi pa sinisigurado ng pulisya na si Mary Anne nga ang pinagputol-putol na katawan. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top