|
PNP dapat bantayan sa Erap verdict -- solon Chop-chop lady isasalang sa DNA test Bebot na mandurukot timbog sa estudyante Pulis arestado sa pangongotong Isnatser swak sa patalim at bala
|
CRIME
STORIES
PNP dapat bantayan sa Erap verdict -- solon (Bernard Taguinod) Kung mayroong dapat bantayan sa araw ng paghahatol kay dating Pangulong Joseph Estrada sa Miyerkules ito’y walang iba kundi ang Philippine National Police (PNP) at hindi ang mga Erap supporters. Ito ang mensahe ni Anakpawis party-list Rep. Crispin Beltran matapos ilutang ni PNP Deputy Director Avelino Razon ang umano’y plano ng New People’s Army (NPA) na samantalahin ang promulgation sa kasong plunder na kinakaharap ni Estrada para maghasik ng terorismo upang iganti ang ginawang pag-aresto kay Jose Ma. Sison sa The Netherlands. Natatakot si Beltran na may binabalak na masama ang PNP kaya pinalutang ang nasabing senaryo bukod sa pagdepensa nito sa kanilang planong magtalaga ng 6,000 pulis sa araw ng promulgation ni Estrada. "It’s a ridiculous and fantastic charge that the NPA would infiltrate the gatherings in retaliation for the arrest of National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief political consultant Jose Ma. Sison in the Netherlands," ani Beltran. Kaugnay nito, umapela si Beltran sa taumbayan na bantayan ang PNP dahil wala umanong makakapagsabi kung may binabalak na hindi maganda ang mga ito. Kabilang sa kinatatakutan ni Beltran ay ang pag-atake ng PNP sa mga street parliamentarian sa mga susunod na linggo o kaya sa mga tagasuporta ni Estrada. Samantala, hindi na umano nagtaka si Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casiño sa senaryong ipininta ng PNP na posibleng samantalahin ng NPA ang paghahatol kay Estrada dahil noon pa man ay mahilig ng mag-imbento ang pulisya ng mga bagay na hindi nangyayari tulad ng kasuhan sila ng rebelyon. Nabatid din kay Casiño na sa ngayon wala umanong balak ang mga militanteng grupo na lumabas sa araw ng paghahatol kay Estrada na nakatakda sa Setyembre 12 para sabayan ang mga tagasuporta ng dating pangulo. "Wala, wala sa plano pero nag-aabang kami sa verdict," ani Casiño. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|