3 LALAKI SINALVAGE SA TAGUIG

PNP dapat bantayan sa Erap verdict -- solon

Chop-chop lady isasalang sa DNA test

Bebot na mandurukot timbog sa estudyante

Pulis arestado sa pangongotong

Isnatser swak sa patalim at bala


Hulaan Blues

Top Stories

World Tonite

Balitang Promdi


 

CRIME STORIES

3 LALAKI SINALVAGE SA TAGUIG

(Vladi Eduarte)


Ikinulong ni SPO4 Melanio Valeroso sa selda ng Quezon City Police District-Station 4 matapos maaresto ang mga suspek sa pagtutulak ng shabu na sina Roger Manansala, 36 at Jose Santos, 44-anyos. Naaresto ang dalawa sa isang buy-bust operation sa Bgy. Batasan Hills, Quezon City. (Mike Perez)

Tatlong bangkay ng mga lalaki na hinihinalang mga biktima ng summary execution o salvaging ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Taguig kahapon.

Unang nakita ang bangkay ng isang lalaki na nakabulagta sa southbound lane ng C-5 Road kahapon ng madaling araw sa bahagi ng Western Bicutan, Taguig, at nakasuot lang ng brown na six-pocket shorts.

Ayon kay Chief Insp. Celso Rodriguez, hepe ng Taguig Police-Investigation and Detective Management Section, walang anumang nakuhang mapagkakakilanlan sa bangkay na pinaghihinalaang biktima ng salvage.

Kinakitaan lang ito ng tattoo na MYRNA sa kaliwang bahagi ng dibdib at isa pang tattoo ng Indian at pangalang JOJO.

Sa imbestigasyon nina SPO2 Gracio Cangco at PO2 Ralph Lauren Morelos, alas-2:30 kahapon ng madaling-araw nang makatanggap sila ng tawag mula sa Tactical Operations Center ng Southern Police District hinggil sa pagkakatagpo sa bangkay.

May nakita umanong sugat na parang saksak sa kanang bahagi ng dibdib ng biktima, at ang mga kamay nito ay nakatali sa kanyang likod sa pamamagitan ng plastic adjustable string.

Kasunod na natagpuan ng ilang scavengers na nagkakalkal ng basura ang bangkay ng isa pang hindi nakikilalang lalaki na katulad ng naunang nakita, wala ring nakuhang mapagkikilanlan.

Inilarawan ni Chief Insp. Celso Rodriguez ang biktima na nasa 20-25 ang edad, briefs lang ang suot at kuwintas na may silver cross pendant. Tadtad ito ng saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Base sa imbestigasyon nina SPO2 Cangco at PO2 Morelos, alas-4:05 kahapon ng madaling-araw nang makatanggap sila ng tawag na may isa pang natagpuang bangkay sa Merit Road, Old Gate-1, Global City, Fort Bonifacio.

Samantala, isa pang lalaki ang tinadtad ng saksak kahapon ng madaling-araw sa Western Bicutan, Taguig.

Kinilala ni Chief Insp. Celso Rodriguez ang biktimang si Melvin Aniceto, 26, ng FTI Compound, Western Bicutan.

Alas-3:30 ng madaling-araw nang matanggap ng Taguig Police-Investigation and Detective Management Section ang tawag mula sa Tactical Operations Center hinggil sa insidente.

Nadatnan ng mga imbestigador ang biktimang nakahandusay sa tabi ng isang nakaparadang jeepney, wala nang buhay.

Wala pang matukoy na suspek sa pananaksak, pero isang testigo ang nagsabi sa pulisya na bago matagpuan ang bangkay ay may nakita raw siyang dalawang lalaki na nakasuot ng kulay puti at pulang t-shirt na tumatakbo palayo sa crime scene. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top