September 08, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Kaaway pinatay sa yakap
(Dindo Matining)
 

Isang punglo ang tumagos sa likod ng isang lalaki matapos barilin habang yakap-yakap ng kanyang nakaaway sa Pasig City kahapon ng umaga.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktima na kinilalang si Cesar Pelayo, 57, may-asawa at nakatira sa No. 247 M. H. del Pilar St., Bgy. Palatiw, Pasig City sanhi ng isang tama ng bala sa kanyang likod.
Tumakas naman ang salarin na nakilala lamang sa pangalang “Ale” dala ang baril na kalibre .38 na ginamit nito sa pamamaslang sa biktima.
Ayon sa ulat ni SPO3 Rodolfo Salamanca ng Pasig Police, dakong alas-otso ng umaga nang maganap ang pamamaril sa biktima sa harap ng bahay nito.
Sa pahayag ng mga kamag-anak ng biktima sa pulisya, na hindi na ipinabanggit ang kanilang pangalan, nakaupo umano si Pelayo sa harap ng bahay nito nang lapitan ng suspek.
Nag-usap umano ang dalawa at pagkatapos ng ilang minuto’y niyakap patalikod ng suspek ang biktima saka biglang inilabas ang kanyang baril sabay kinalabit ang gatilyo nito.
Mabilis na tumakas ang suspek na tila walang nangyari nang bumulagta ang biktima.
Isinugod sa Pasig City General Hospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.
Ayon kay SPO3 Salamanca, inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES