Alfie Lorenzo  

Abu Tilamsik  

Jun Lalin  

Allan Diones   


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Wanted: underwear ni Richard


Natutuwa ang magkakapatid na Ruffa, Richard at Raymond dahil habang papalapit ang RRRampa for a Cause… Runway for Charity (Rockwell Tent, Setyembre 16) ay dumarami ang mga artistang sumasali.

Noong Huwebes ay nag-presscon sina Richard at Raymond kasama sina JC de Vera at Rhian Ramos para sa event na ‘yon.

After ng presscon, nadagdag si Diether Ocampo sa listahan ng mga artistang rarampa sa gala fashion show (start ng 9:00 PM).

Nag-text si Diet kay Ruffa na pwede na siya sa event na ‘yon. Naayos na ng aktor ang kanyang schedule sa araw na ‘yon.

Magmo-model si Diet para sa fashion designer na si Paul Cabral at makakasama niya sa pagrampa sina Piolo Pascual at Wendell Ramos.

Gusto naming linawin na ‘yung celebrity bazaar ay mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM lang at P300 ang entrance fee roon. Marami ring mga artista ang may booth at may performers din sa maghapon.

Nabasa ni Ruffa ‘yung nasulat na may reporter na nagtanong sa presscon ng RRRampa kung may ibebenta bang briefs (preferably slightly used) ang mga kapatid niyang sina Richard at Raymond. Naloka si Ruffa.

"Hindi kaya tanungin nila ako kung magbebenta rin ako ng panties? Naku, wala akong underwear sa mga ibebenta ko. Puro mga damit. Magbebenta rin ako ng colognes and other items," sabi ni Ruffa.

Sisiguraduhin ni Ruffa na hindi mauulit ang nangyari last year na wala pang lunch time ay ubos na ang paninda nila.

"Hahati-hatiin namin. May products na ilalabas sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Para lahat ay makabili.

"Hindi rin puwedeng isang costumer lang ang papakyaw sa lahat ng mga paninda namin.

"Mas maganda kasi kung marami ang magkakaroon ng chance na makapamili ng mga paninda namin," pahayag pa ni Ruffa.

Sa gala fashion show, may auction para sa mga damit na ginamit ng mga artista sa pagrampa.

May bagong items na ibebenta si Ruffa at itatabi lang niya ang puhunan para sa items na ‘yon. The rest ay ido-donate niya sa Make-A-Wish Foundation at World Vision, ang beneficiaries ng kanilang charity event this year.

Malaki ang pasasalamat ni Ruffa sa mga artista at sa mga manager ng mga ito na pumayag na makibahagi sa RRRampa.

Malaki rin ang pasasalamat nila sa sponsors at ang iba roon ay ang Nestle, Calayan Surgicentre ng mag-asawang Drs. Manny at Pie Calayan, Manny Pacquiao, Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa at iba pa.

***

Ang kanilang Digital TV (DTTV) na ilo-launch sa Enero ang pinu-push ngayon ng ABS-CBN 2.

Panay ang email ni Amy Mosura (assistant corporate PR) ng pralala ng Dos kaugnay ng pagiging "broadcasting pioneer" na naman nila pagdating sa DTTV.

Ayon pa kay Amy, 2 years na nilang tine-test ang DTTV at okey naman ito, kaya sa Enero ay nakatakda na nila itong ipamahagi sa lahat at kailangan lang ng set-top box (STB) na hindi kamahalan ang presyo.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa DTTV, tumawag sa ABS-CBN DTTV hotline 411-0015 mula 10:00 AM hanggang 7:00 PM, Lunes hanggang Biyernes.

"Cable TV ng masa" ang tawag ng mga taga-Dos sa DTTV.

Oo nga pala, kahit inilalabas namin ang mga pralala ni Amy at ng iba pang mga taga-Dos, gusto lang naming linawin na kadalasan ay iniisnab kami ng kanilang corporate PR office sa kanilang mga pa-presscon.

Pero okey lang dahil mabait naman sa amin si Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes at iba pang executives ng Dos!

Tama nang alam namin na type din pala nilang mabasa sa aming column ang kanilang mga pralala.

***

Noong Huwebes ay isinulat namin dito si Direk Joel Lamangan. Kinahapunan ay tinawagan niya kami para pasalamatan.

Touched kami sa gesture na ‘yon ni Direk Joel. Kahit, kasi may image siya bilang "terror" director ay very sweet pa rin ang pamosong direktor.

Sana, lahat ng mga taga-showbiz ay katulad ni Direk Joel na marunong magpahalaga sa mga manunulat na sumusuporta sa kanilang mga proyekto.


 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top