Alfie Lorenzo  

Abu Tilamsik  

Jun Lalin  

Allan Diones  


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

CAMILLE, AAMING BUNTIS 


Aaminin na ni Camille Prats sa Showbiz Central na buntis siya, pero may mga naglalabasang intriga ngayon sa ama ng dinadala niya.

Nang umalis si Camille noong Miyerkules pa-Amerika ay sinamahan daw ito ng kanyang magulang at non-showbiz boyfriend nito na nakabuntis sa kanya.

May intriga na ang ang boyfriend ni Toni Gonzaga na si direk Paul Soriano daw ang nakabuntis sa young actress.

Ilan sa mga taong malapit kay Camille ang nakausap ko at tinitiyak nilang walang kinalaman si direk Paul sa pagbubuntis ni Camille.

Totoong naging boyfriend daw ni Camille ang current bf ni Toni pero sandali lang daw iyun nang mag-break si Camille at ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Parang ininda raw ni Camille ang break-up nila ni direk Paul dahil mga apat na buwan lang daw ang kanilang relasyon.

Tamang-tama raw pagkatapos ng break-up kay direk Paul, nakipagbalikan daw itong non-showbiz boyfriend na tinanggap ni Camille hanggang sa nangyari na ang pagbubuntis.

Sobrang apektado raw ang mga magulang ni Camille pero wala silang magagawa kundi suportahan ito kaya sinamahan nila ito pa-Amerika.

Itutuloy pa rin naman daw ni Camille ang pag-aaral doon. Pagbalik dito ay gusto raw ni Camille na ituloy ang matagal na niyang balak na day-care center o preparatory school para sa mga bata.

***

Ngayong hapon ay tuloy na raw ang contract signing ni Manny Pacquaio sa GMA 7.

Isang sitcom ang gagawin ni Pacquiao pagkatapos ng laban niya sa Las Vegas sa October.

Live na mapapanood sa Startalk ang contract-signing at sasagutin na rin ni Pacquiao ang matagal na intriga sa kanila ni Ara Mina, pati ang nanganganib daw na pagsasama nila ng kanyang asawa.

Puspusan ang ensayo ngayon ni Pacquiao sa Cebu. Mabuti at pinayagan siya ng kanyang coach na lumipad sandali para makapirma sa GMA.

Babalik din daw agad sa Cebu si Pacquiao para ituloy ang naturang ensayo.

Ngayon pa lang ay hinuhulaan nang si Ara Mina ang makaka-partner niya sa sitcom pero wala pang ibinibigay na ano mang impormasyon ang GMA 7.

***

Sa Startalk ngayong hapon ay may statement pa si Joey de Leon sa isyu sa kanila ni Willie Revillame.

Abangan kung ano ang sagot ni Joey sa public apology na hiningi ni Willie bago ito umalis pa-Amerika.

May dagdag pang isyu tungkol sa sinulat ni Joey sa kanyang column sa Manila Bulletin.

‘The Filipino Cheater’ daw ang title sa kanyang column na wala siyang binabanggit na pangalan at pinatatamaan.

Pero dinig namin, nag-react dito ang ABS-CBN 2 dahil TFC ang abbreviation ng title na ‘The Filipino Cheater.’

Nagulat si Joey nang binanggit namin ito sa kanya dahil ngayon lang daw niya naisip na TFC ang initials sa title na isinulat niya sa column niya.

Hindi raw niya alam na may ganung isyung nag-react pa ang ABS-CBN 2.

"Gawa-gawa mo lang yata iyan," sagot sa akin na parang ayaw maniwala sa intrigang tinanong namin sa kanya.

***

Sinorpresa ni Patrick Garcia si Jennylyn Mercado sa live chat nito sa GMA 7 nu’ng Huwebes nang hapon.

Natuwa si Jennylyn sa biglang pagdating ni Patrick. Ang pagkakaalam niya, nasa taping ito ng Fantastic Man.

"I just wanna see a smile in her face naman. It’s nice to see her inside GMA. I hope everything will turn out well for her now.

"Siguro, nadamay lang siya sa problem, but she belongs here," pahayag ng aktor na mukhang love na love si Jennylyn.

Unti-unti nang nabibigyan ng project si Jennylyn pero mga guestings muna sa ngayon. Ayaw pa niyang kumpirmahin kung siya na ba ang gaganap sa Angela Markado dahil dinig namin ay kay Katrina Halili raw ito.

"Wala pa po akong alam diyan," sagot ni Jennylyn sa tanong namin tungkol sa Angela Markado.

"GMA na po ‘yung nakaaalam at may karapatan na maghusga kung sino talaga ang gusto nilang kunin bilang Angela Markado," pa-safe na sagot nito.

In fairness kay Jennylyn, mas bagay sa kanya ang Angela Markado at dapat mabigyan na ito ng regular show sa GMA 7.

Ilang beses niyang sinabi na sa GMA 7 ang kanyang loyalty at wala sa isip niyang lumipat kung saan man. Nagkakaintindihan daw sila ng manager niya sa bagay na iyan.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top