Alfie Lorenzo  

Abu Tilamsik  

Jun Lalin  

Allan Diones  


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Supalpal sa mga super-tapang na hostess


Nasa Max Restaurant kami kahapon hindi para tikman ang manok ni Piolo Pascual kundi para tingnan kung ano ‘yung ipinatawag na preskon ni Edu Manzano.

It’s been how many years since we last set foot on this fried chicken house na orig sa Roces area. That was over 27 years na ba?
Nu’ng early ‘70s when we were a part of the biggest comics publisher in the Philippines na Atlas Publications na siyang gumagawa ng Pilipino Komiks, Hiwaga, Tagalog Klasiks; sa kabilang building ay may Ace publications na Bondying Komiks, affiliated publications na may Superstar Nora, Topstar Pip, Filipino Reporter, Super Idol, Super Duper Komiks; sa kabilang building may True Confession & Modern Romances, Mod magazines, Orig, Moviestar, etc., pag may presscon ay walang ibang venue round that corner kundi itong Max Restaurant na isang building na maliit pa lang noon (ngayon ay super-luwag na at moderno na).

It was nostalgia  time, too, for veteran writers who, like us, started too at Atlas like Vero Samio, Bong de Leon, Ernie Pecho, Remy Umerez, na nanduon din sa preskon at nakatuntong muli sa Max Resto.
Sa pamamagitan ni G. Ronald Pecho, marketing manager of Tubu Food Manufacturing Corportion na may gawa ng ibang kutkutin tulad ng Totoy Green Peas, Cheez Rings, Squid Rings, Cheese Balls, Totoy Tong Niks, Yoya Toasted Bread, ay itong energy drink na V. Go ang ini-endorse ni Edu Manzano.
During the affair, the press enjoyed the product sampling of the powdered energy drink. May pineapple taste. Iyung V. Go powder na nasa sachet ay bubuhusan mo lang ng tubig sa baso at may instant energy drink ka na.

May choice ka pa ng water, hot or cold. Parang instant kape.

Sey ni Edu, "Now I can always recharge with V. Go powdered energy drink. Sa tulad kong always on the go, bawal ang low-batt lalo na pag nagre-raid kami sa pirates’ lair!"
Nagpa-raffle pa ng tig-isang bags ng lahat ng produkto ng Tubu Food Manufacturing corporation, pero ang higit na naging in-demand ay ang mga sachet ng V. Go powdered energy drink, a clear sign na Edu was convincing enough for the press para mahikayat niya ang mga ito na subukan ang pag-inom ng energy drink lalo na sa mga reporter na palagi ring on the go tulad ni Edu Manzano!
So GO! GO! for V. Go energy drink! Tabi na muna riyan ang mga Joss, Lipovitan at Red Bull?

***

Abangan me sa UNTV 21 mamayang 6:00-7:00 PM kasama nina Pete and Peter sa Chika Mo, Chika Ko.

Mag-enjoy kayo nang husto sa okrayan portion at talagang bull’s eye, walang blind-blind item, name names talaga ang mga bading!

Sapal at supalpal lahat ng mga malalakas ang loob na mag-blind items at walang mga balls para pangalanan ang mga dapat pangalanan.

Walang katulad ang show na Chika Mo, Chika Ko at lalong wala nang katulad ang mga super-tapang na mga leon at tigre na mga hostess like Pete and Peter, Natasha Ledesma, Ian Valdez and Benny Andaya.

Ngayong gabi, nandaya si Benny dahil wah siya apir. Baka raw mainitan sa klieglights ang bagong matangos na ilong niya, ‘noh?!

Then at 8:00-11:00 PM, nanduon kami sa DZMM teleradyo na inyong paboritong pakinggan around the world tuwing Sabado nang gabi.

May special portion kami roon mamaya for Mama Mary na birthday today.

Happy birthday, Mama Mary, I know you love us! God bless po.

***

Maglilimang taon na ang Wish Ko Lang at patuloy ang pag-arangkada nito sa TV ratings at sa pamimigay ng mga kahilingan.

 Ayon sa AGB Nielsen Media Research Mega Manila, #1 ang Wish Ko Lang sa 100 Daytime Programs (Agosto 19-25, 2007 survey period).

Nakakuha ito ng 24.7% Household Ratings. Nilampasan ng WKL ang malalaking programa gaya ng Meteor Garden, Eat Bulaga at Wowowee.

Kung hindi pa ninyo nasusubukang manikip ang dibdib sa sobrang ligaya at sangkatutak na sorpresa, panoorin ang Wish Ko Lang tuwing Sabado nang 4:30 PM sa GMA-7.

*** 

Exciting na naman ang labanan sa All Star ‘K’ bukas nang gabi sa GMA 7.

Pasiklaban sa videoke challenge ang mga mag-IN-LAW na sina Jackie Lou Blanco & Mymy Davao, Geryk Genasky & Mommy Guapa, Christopher Roxas & Sonyer Reyes, Yayo Aguila & Marge Martinez, Romnick Sarmenta & Butch Bautista, Matet de Leon & Mike Estrada, at Gene Padilla & Antonio
Atienza.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top