Hindi dapat magkaroon ng anumang espekulasyon ang publiko na mayroong nangyayaring hidwaan sa Supreme Court kasunod ng pang-iisnab ng ilang mahistrado sa unang flag raising ceremony ni bagong Chief Justice Ma. Lourdes Sereno noong Lunes.
Praktis --- Sa murang kaisipan ay tinuruan ng mga guro ng Baclaran Elementary School Unit 1 sa Parañaque ang kanilang mga estudyante sa paghahanda sakaling magkaroon ng malakas na lindol sa kanilang lugar. (Jonas Sulit)
WALANG Coco Martin sa mga naunang screenings ng pelikulang Captive ni Direk Brillante Ma. Mendoza, pero sa version na napanood namin sa gala premiere nito sa Greenbelt 3 kamakalawa nang gabi ay kasama na roon ‘yung maiksing guest appearance ni Coco.
Akmang sasaklolo si Marietta Carolino ng Philippine Army pero hindi umabot dahil sumadsad ang kakamping si Patricia Siatan-Torres bago pa mai-set ang bola sa Shakey’s V-League game kontra Cagayan Valley-Perpetual Help kahapon. Nanalo ang Cagayan, 23-25, 25-22, 25-18, 25-17. (Patrick Adalin)
Madaling dinispatsa nina 8th pick Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante ng Philippines-B ang unseeded Hong Kong tandem nina Lee Chenman at Kenny Kwok, 8-3, para sa maligayang pag-uwi ng mga nagtiyagang miron hanggang bago mag-alas-10:00 kagabi sa PartyPoker.net World Cup of Pool sa Midtown Robinsons Place activity center sa Ermita, Manila.