|
103-anyos, 'di pwedeng Olympic torchbearer Letran coaches ligtas sa parusa
|
SPORTS
UPDATE
PULLING AWAY! 12th straight win nadale ng Warriors Ni Ace Pasco
Birtuwal na isa na lang ang layo ng UE Warriors sa isang UAAP sweep kasunod ng pinagpawisang 79-72 panalo kontra Far Eastern U Tamaraws. Sumaklolo si Mark Borboran sa oras na nangangailangan ang Warriors at gumatilyo ng 11 sa kanyang season-high 23 points sa pinal na quarter para ipadyak ang UE sa ika-12 sunod na unbeaten winning streak. Sa totoo lang, dalawang laro pa ang nalalabi sa tropa ni Warriors coach Dindo Pumaren para makumpleto ang 14-game sweep sa elims at dumiretso sa best-of-3 finals. Ang una’y kontra UP Maroons sa isang linggo at ang huli’y sa De La Salle Archers sa Sept. 15. Sapagkat eksaktong kabaligtaran ang puros rookies na UP Maroons na wala pang naipapanalo sa sampung laro, parang final score na lang ang hinihintay sa Sept. 8 playdate kontra UE. Ang inaabangan ng lahat ay ang engkuwentro ng Warriors kontra segunda sa standings (8-3) na La Salle na minamanduhan ng nakatatandang kapatid ni Dindo na si Franz. Ang Tamaraws na bumagsak sa 6-6 win-loss record sa ikalimang posisyon sa likod ng UE, La Salle, Ateneo (7-4) at defending champion UST (6-5), ay pinakaba ng husto ang Warriors bago tumiklop sa hulihan. Ang parehong eskuwelahan na pumigil sa dating 9-0 best start ng UE noong 1986, ang FEU ay umuusok na nagsimula sa pagsunggab sa 10-2 lead sa first quarter bago maitatak ang pinakamalaking 27-15 bentahe sa ikalawang yugto kasunod ng basket ni rookie JR Cawaling, 7:42 pa lang sa period. Pero bumalik ang UE, nakahabol at nakalapit 31-32 sa halftime at na-outscore ang Tams, 21-19 sa third quarter para kalawitin ang 53-51 lead papasok sa huling yugto. Doon na nangibabaw si Borboran. Sinimulan ni Borboran ang 11-4 run ng Warriors para buksan ang unang dalawang minuto ng fourth sa pamamagitan ng isang tres. Tinapos niya ito sa pamamagitan ng isa pang three-pointer na nagbigay sa UE ng 64-56 bentahe, 7:42 sa laro. Sa unang laro’y pinatatag ng Ateneo ang third place sa 81-68 win kontra tanggal nang Adamson.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|