Allan Diones

Joe Barrameda

Jojo Gabinete

Rey Pumaloy


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


ENTERTAINMENT

Direk Lino, maligaya kay KC

(ALLAN DIONES)


Dream come true para kay Direk Lino Cayetano ang ipagkatiwala sa kanya ng Star Cinema ang pagdidirek ng I’ve Fallen for You nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Nasa GMA pa si Direk Lino more than three years ago at nagdidirek ng StarStruck ay nabanggit na niya sa aming ang tunay na pangarap niya ay makagawa ng pelikula.

Ginawa niyang training ground ang TV para sa ultimate dream niya na maging film director. Ngayon ay sobrang happy ang 29-anyos na direktor dahil tinupad ng Star Cinema ang pangarap niya.

"This is where I want to be!" nakangiting bungad sa amin ni Direk Lino sa presscon ng I’ve Fallen for You.

Hindi niya ine-expect na isang teenage love story ang ibibigay sa kanyang unang proyekto, pero after doing the film ay natuwa siya na nakagawa siya ng isang matinong produkto na hindi lang basta isang teen love story na kababawan.

Aminado si direk na nu’ng una ay alinlangan siya sa project na ibinigay sa kanya pero malaking bagay na pinayagan sila ng Star Cinema na gawin ang pelikula ayon sa gusto ng grupo nila ng scriptwriter niyang si Mel Mendoza-del Rosario.

"It’s about the choices we make. We tackled ‘yung isyu ng relasyon because love is more complicated than that. At ako, gusto kong gawin ‘yung mga pelikula about family, mga relasyon sa buhay at ‘yung katotohanan na nararanasan natin sa mundo natin ngayon," sey ni direk.

Ang ikinalulungkot si Direk Lino ay hindi na mapapanood ng kanyang nasirang ama na si dating Senador Rene Cayetano ang kanyang pelikula.

Pangarap niyang maipanood dito ang maididirek niyang movie kaya sobrang nami-miss niya ang kanyang ama.

Hiniritan namin si direk na ang ganda ng timing ng kanyang romantic movie dahil ginawa niya ito sa panahong masaya siya at in love, pero tulad ng dati ay iwas na iwas pa rin siya ‘pag napunta ang usapan sa rumored girlfriend niyang si KC Concepcion.

Palusot niya, umiiwas siya sa mga self-incriminating questions. Pero nagdayalog siya sa amin na, "Siyempre, happy ako" nang kulit-kulitin namin siya about KC.

May mga nakakakitang palagi silang magkasama ni KC pero ayaw niyang magkuwento tungkol sa mga quality moments nila ni KC mula nang bumalik ng bansa ang dalaga mula sa pag-aaral sa Paris.

Ang alam daw ni Direk Lino ay may TV special si KC na ipalalabas sa ABS-CBN sa katapusan ng Setyembre at excited daw roon ang dalaga.

Sa tanong namin kung totoong mag-aartista na rin si KC, ang sagot niya ay hindi niya alam ang plano ng dalaga after her TV special.

Iimbitahan daw ni direk ang lahat ng malalapit sa kanya sa premiere night ng I’ve Fallen for You kaya abangan natin kung darating si KC sa gabing ‘yon.

***

Na-excite si Glaiza de Castro na kasama siya sa pelikulang Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan dahil makakatrabaho niya sa movie si Ken Zhu ng F4.

Tsika ni Glaiza, fan siya dati ng Taiwanese quarter na F4 at nanonood siya noon ng Meteor Garden kaya natutuwa siyang nakasali siya sa cast ng Batanes.

Sister ng female lead na si Iza Calzado ang role ni Glaiza sa pelikula na gagawin dito ni Ken at ipoprodyus ng Ignite. Ang indie director ng Donsol at Kadin na si Adolf Alix, Jr. ang magdidirek nito.

Sa F4 ay paborito raw ng 19 y/o young star si Vic Zhou, sunod si Ken, si Jerry Yan, at last si Vanness Wu. Natuwa rin siyang kasama sa cast sina Iza, Sid Lucero at Coco Martin na lahat daw ay gustong makatrabaho ni Glaiza dahil bilib siya sa mga ito bilang artista at feeling niya ay may matututunan siya.

May isa pang indie project ang bagets, ‘yung Rakenrol ni Direk Quark Henares. Dapat ay nu’ng Hulyo pa sila nag-shoot nito kaya lang ay nagkaproblema sa cast dahil hindi na raw pumuwede si John Prats dahil lagi itong rumaraket abroad.

Naghahanap pa ng isang male lead actor na papalit kay John. Si Diether Ocampo ay sure na raw bilang isa pang bidang lalake na rakista rin ang role gaya ni Glaiza.

Si Iza Calzado ang paboritong aktres ng Angel Locsin-lookalike na si Glaiza. Hanga raw siya kay Iza dahil bukod sa wholesome ang image nito at hindi maintriga ang buhay ay napakagaling nitong umarte at ngayon ay may ginagawang pelikula sa Hollywood, na pinapangarap ng bawat artista.

***

Matapos ang 22 colorful years sa Adriatico Street, may bago nang tahanan ang Library comedy bar sa 1739 Maria Orosa Street doon pa rin sa Malate, Manila.

Mas maganda, mas maaliwalas at mas malaki ang bagong Library. Sa Setyembre 15 ang grand opening nito.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top