SEXY DANCERS NI WILLIE IIMBESTIGAHAN DIN

AFP, PNP overacting sa Erap verdict

Marupok na pundasyon

Abalos 'di kayang galawin ni GMA

Broadband project away ng US at China

Joma ibinartolina


Hulaan Blues

Crime Stories

World Tonite

Balitang Promdi


 

TOP STORIES


Maging sa Netherlands ay may mga supporters si Philippine communist leader Jose Maria "Joma" Sison na nagra-rally upang igiit ang pagpapalaya rito. Isang Dutch judge ang nag-utos na palawigin pa ng dalawang linggo ang pagkakadetine kay Sison. (AFP photo)

SEXY DANCERS NI WILLIE IIMBESTIGAHAN DIN

Ni Bernard Taguinod


Mistulang lalong lumaki ang problema ni Wowowee host Willie Revillame dahil bukod sa kontrobersyang idinulot ng "Wilyonaryo" game scandal ay pinag-iinitan na rin ang mga nagseseksihang babae na sumasayaw sa kanyang noontime show sa ABS-CBN.

Kahapon, kinalampag ni CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva ang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil wala umanong ginagawa ang ahensya sa malaswang pagsasayaw sa naturang noontime show kung saan halos wala nang saplot ang mga nagseseksihang babae.

Ayon kay Villanueva, wala siyang nakikitang dahilan para lagyan ng mga babaeng maiiksi ang kasuotan at halos labas na ang mga kaluluwa ang mga game show na tulad ng Wowowee.

Para kay Villanueva, ang mga nagseseksihang babae na sumasayaw sa Wowowee ni Revillame ay isang pagbalewala sa moralidad at magpo-promote aniya ng kalaswaan.

"I don’t see the sense bakit may seksing babae ang nagpapaikot ng tambiyolo. Hindi related sa programa. You can dance but hindi ‘yung masyado nang malaswa at halos wala nang damit ang babaeng sumasayaw," ani Villanueva.

"Parang ginagamit na lamang nila ‘yung mga babae to attract men. Tini-tickle nila ang imahinasyon ng mga lalake... tinutukso nila habang ini-exploit naman nila ang mga babae," dagdag pa ni Villanueva.

Dahil dito, inatasan ni Villanueva ang MTRCB na huwag lamang ang "Hello Papi" scandal ang imbestigahan kundi pati na rin ang palaswa nang palaswang noontime show.

Dismayado ang mambabatas dahil tila pinapabayaan umano ng MTRCB ang mga ganitong palabas gayong isa sa trabaho ng ahensya ang pangalagaan ang "moral fiber of the society".

Sinabi pa ng kongresista na mas malala ang pagpapakita ng mga katawan at malalaswang sayaw kaysa sa mga bad words na siyang laging inaabangan ng MTRCB sa mga ganitong uri ng palabas.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top