Kung maipapasa ang panukalang dagdag buwis sa sigarilyo at alak ngayong taong ito, plano pa umano ng gobyernong Aquino na magpatupad ng dagdag pang mga buwis sa susunod na taon.
Iwas-siksikan --- Dalawang araw bago ang mismong Araw ng mga Patay ay nagtungo na kahapon sa Manila Memorial Park ang matandang ito at kanyang mga apo para mag-alay ng dasal at magtirik ng kandila sa namayapang mahal sa buhay upang makaiwas sa masikip na trapiko at pagdagsa ng maraming tao. (Mike Perez)
ISANG blowout party ang idinaos kagabi sa City Best resto sa Morato Av., QC bilang patunay na tinalbugan ng A Secret Affair nina Derek Ramsay at Anne Curtis ang sarili nilang rekord sa blockbuster hit din nilang No Other Woman.
MAAGANG nagsimula at natapos ang presscon ng Suddenly It's Magic kamakalawa nang gabi sa Dolphy Theater, kasama ang Thai heartthrob na bida ng pelikula na si Mario Maurer.
Sanggang-dikit --- Hirap gumawa ng paraan si Cris Exciminiano ng Cagayan (kanan) kung paano ipapagpag ang depensa ni Juan Taha ng Boracay Rum na halos yumakap na sa kanya sa D-League action kahapon. Itinungga ng Cagayan ang Boracay, 88-79. (Mike Taboy)