Malalatayan at mapupulaan si Pangulong Benigno 'Noynoy' Aquino III kapag nakalusot si dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang kasong plunder.
Zombasura --- Sumayaw ang mga miyembro ng Ecowaste Coalition ng hit na Korean song na Gangnam style suot ang mga retaso at iba't ibang uri ng basura na animo'y mga zombie sa paligid ng Manila North Cemetery kahapon para paalalahanan ang mga dadalaw sa sementeryo na igalang ang mga patay sa pamamagitan ng pagligpit sa mga basurang makikita sa paligid ng mga nitso ng mga patay. (Jonas Sulit)
How sweep it is! --- Basang-basa sa ulan ng champagne ang players ng San Francisco Giants nang itaas ni Brandon Belt ang Commissioner's Trophy pagkatapos ng 4-3 win nila kontra Detroit Tigers sa Game 4 ng World Series kahapon. Winalis ng Giants ang Tigers, 4-0. (AP)
DETROIT (AP) --- Lahat ng importanteng sangkap para sa matamis na World Series sweep, inilabas ng San Francisco Giants.