OCTOBER 24, 2012 WEDNESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
October 23,2012
As of 4:00 pm
U. States 41.3310
Bahrain Dinar 109.624
Can Dollar 41.5380
Euro 53.8456
Aus Dollar 42.5524
HK Dollar 5.33347
Japan Yen 0.518074
Saudi Riyal 11.0219
S’pore Dollar 33.8053
Taiwan Dollar 1.41264
UAE Dirham 11.2520
UK Pound 66.1440
 
Custom Search
Reklamo kay Ex-Kap Grimaldo
 

 

 

Dumulog sa aming tanggapan ang ilang residente ng Bgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City upang ireklamo ang dati nilang kapitan ng barangay.

Halos magkakapareho ang sumbong ng mahigit sampu kataong complainant laban kay Ex-Bgy. Chairman Sofronio “Efren’ Grimaldo.

Nagpatayo raw ng isang commercial establishment si Grimaldo gamit ang perang inutang mula sa mga nagre­reklamo. Maging ang mga construction materials na ginamit sa pagpapatayo ng gusali ay inutang din umano sa mga hardware.

Sa salaysay ni Mrs. Ly­dia dela Torre, pinangakuan umano sila ng dating ka­pitan na kapag hindi nito nabayaran ang malaking pagkakautang ay bibigyan na lamang sila nito ng unit sa ipinatatayo nitong gusali.

Nadiskubre na lamang ng mga complainant matapos maipatayo ang commercial building ay ipinaupa na pala sa ibang tenant ang mga unit doon. Kahit paulit-ulit silang nagpupunta upang hilingin ang pangako ni Grimaldo ay sila pa raw ang pinagbabantaan nito.

Minarapat na lamang ng grupo ni Mrs. Dela Torre na sampahan ng kaso ang da­ting kapitan. Napag-alaman din namin na patung-patong na reklamo na rin pala ang nakasampa sa barangay laban sa dating opisyal.

Nagtatago na at hindi na raw mahagilap ngayon ang dati nilang kapitan. Ang balita namin ay may plano pa itong si Grimaldo na tumakbong muli bilang kapitan ng barangay sa susunod na taon.  

Matapos makarating sa amin ang sumbong na ito, minarapat naming hingin muna ang tulong ni Bgy. Chairman Reynaldo Miranda. Agad naman siyang nagpadala ng respondeng mga BPSO at mga kagawad ng PNP na naka-assign sa barangay upang payapain ang tensiyon ng mga galit na galit na complainant.

Sa loob lamang ng sampung minuto, dumating agad sina BPSO Oscar Dacallos, Jose Peanar, Dodong Felicedario at Richard Payag, kasama rin sina PO1 Francis Alapar at Julius Fernandez.

Ang maipapayo po natin sa dating opisyal ng barangay ay lumutang na ito at harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Hindi habang panahon ay makakapagtago siya sa batas. Panahon na upang ma­tuldukan na ang kanyang panloloko sa kapwa.

***

Binabati natin ang pamunuan ng Divine Grace School sa Maligaya Park, Novaliches, Quezon City sa kanilang pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo. Naging matagumpay ang kanilang idinaos na fun run noong Linggo, October 21, 2012 na nagsimula alas-5:30 ng umaga.

Sumama sa “DGS Running for Gold @ 25” ang mahigit isang libong mga estudyante, teachers at parents sa napaka-saya at makulay na fun run.

Congratulations kina Mrs. Estela Canalita, School Directress at Mrs. Waldy Canalita, Principal, sa inyong magandang adhikain na mapasulong ang edukasyon para sa mga kabataan!


HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION