|
Jomari, tinutupad ang lahat ng pangako kay Pops Katrina, ayaw matawag na 'Hipo Queen'
|
ENTERTAINMENT
'Digitales' finalists Ipinapalabas na sa PBO (Pinoy Box Office, 24-hour movie cable channel ng Viva Entertainment) ang anim na finalists sa digital film making contest na PBO Digitales. Ang mga ito ay ang Yaya ni Jaypee P. Zuñiga, Hinagap ni Jose Luis Burgos, Misteryo ng Hapis ni Mark de la Cruz, Sa Kabilang Dako ng Talahib ni Adrian Ellis Jaranilla Abanilla, Aninag ni Rianne Hill Isidro Soriano at Lababo ni Seymour Barros Sanchez. Ang mga manonood ng PBO ay maaaring lumahok sa pagpili ng top winners. I-text lamang ang PBO DIGI <letter of entry> <name/address> sa 2769. Ang mechanics para sa pagte-text ng boto ay napapanood sa PBO. Ihahayag ang winners sa susunod na buwan. P50,000 ang first prize; P30,000 para sa 2nd prize; P20,000 sa 3rd prize; at P20 para sa Texter’s Choice Awards. 30% ng total score ng entry ay mula sa boto sa text. Ang mga hurado sa paligsahan ay sina Baby Gil (chairperson ng Viva Foundation for the Arts), Pearlie del Rosario (Viva Marketing and Communications Manager), Cel Santiago (pinuno ng Viva Creative Search), Paolo Villaluna & Ellen Ramos (mga direktor ng digifilm na Ilusyon), at Jim Flores (scriptwriter ng Tuli). |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|