|
Huli sa Special Olympics brand 'Matalo na lahat 'wag lang sa basketball' Olympic medals, isinoli ni Jones May pag-asa ang football kung... 7 sultador, angat sa LGBA series
|
SPORTS
UPDATE
Gustong bumawi Nanalo ang Purefoods kagabi kontra sa Sta. Lucia, 96-89. Si James Yap ang siyang nanguna sa team sa kanyang 21 points. Tumulong pa sa koponan sina Roger Yap na may 16 points, habang si Marc Pingris naman ay 14 points. Ang panalo ay isang magandang regalo para kay Pingris, dahil kabi-birthday n’ya lang kamakalawa. Animo’y hindi nanggaling sa injury si Marc, na kung tumalon ay walang pakialam kung muling sumakit ang kanyang paa. Tulad ng sabi niya, nais niyang bumawi sa Purefoods team at tulungan ito nang husto, upang maging maganda ang kalagayan sa conference na ito. *** Pansin namin na maraming napipikon sa bagong rules na nangyayari ngayon sa laro ng PBA. Lalo na yung hands check na hindi tinatawagan ng foul. Yung mga hindi sanay na ‘di natatawagan ng referee ay pikon, ibig sabihin hindi nila maintindihan ang laro. Pero laking advantage ito kay Roger Yap. Sanay na sanay ito, kaya kahit ano pa ang gawin, lalo pang lumabas ang husay niya sa pagbabantay. Katunayan, nakapuntos pa siya ng 16. *** Ano naman ang nangyari sa Sta. Lucia? Maganda ang sinimulang laro ng Realtors, pero pagdating ng 3rd quarter, tila naupos na kandila ang mga players ni coach Boyet Fernandez. Mahusay ang ipinakita ng rookie ng SLR na si JR Reyes, pati na si Coronel na walang takot magbuslo ng three points. Ang problema lamang, ‘yung veteran player ng team ang nagbaba ng momentum ng koponan. *** How true kaya ang aming nasagap na balitang ikakasal na ngayong taon ang idol ng bayan na si Mac-mac Cardona ng Talk ‘N text. Naku, sorry na lang sa mga koliheyala na nag-iilusyon sa dating Green Archer. *** Greetings: Happy 1st b-day to Wynn’s Alberto Arboleda this coming October 27, ang unico hijo nina April at Wynnie Arboleda ng Air21. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|