|
Special shootout, iginiit ng SEAG Task Force Indians, malapit na rin sa World Series
|
SPORTS
UPDATE
LGBA series sa Araneta ngayon Magpapatuloy ang championship round ng "Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) 7-stag derby" sa Araneta Coliseum ngayong alas-dos ng hapon. Ikakasa ang mahigit 80 sultada. Ginanap ang unang bahagi ng championship round noong Martes at dito’y nakakadale na agad ng pitong panalo si Boy Tanyag ng Laguna, upang tanghaling unang kampeon. May anim na panalo naman si Jun Sevilla ng Batangas. Malalaman ngayong hapon kung sino ang magiging co-champions at ilan sa mga magtatangka sa titulo sina Joener Letada, Boy Tuazon, Joey Abaquita, Raffy Campos, Edwin Aranez, Jomar Hizon, Cito Alberto, Marcel Julao, Baby Canillas, Manuel Lui, Conrad Estrella, James Ulilang at iba pa. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|