|
Special shootout, iginiit ng SEAG Task Force Indians, malapit na rin sa World Series
|
SPORTS
UPDATE
Indians, malapit na rin sa World Series CLEVELAND (AP) --- May isa pang koponang nagpapahanga na puwedeng makaharap ng Colorado Rockies sa World Series. Umasa sa pitcher na parang kalalabas lang sa kanilang 1948 team photo, umabante sa isang panalo na lamang ang Cleveland Indians tungo sa pagkamkam sa isang madulas na kampeonato. Nablangko ni Paul Byrd ang Boston habang naka-homer naman si Casey Blake upang pagdingasin ang seven-run rampage ng Cleveland sa fifth inning sa pagtarak ng Indians ng 7-3 Game 4 victory noong Martes kontra Red Sox para sa isang 3-1 lead sa kanilang AL championship series. "We want to put them away here," ani Byrd. "That’s a great team over there. They can easily come back and win three. We’re taking absolutely nothing for granted. We’ll enjoy the win for now, but we want to put them away." Katulad ng magiliw na Rockies, naghihintay na lang ng kanilang susunod na kalaban, ang Indians ay nagpupumiglas na parang isang team na may talagang destinasyon. Halos lahat ay pumapanig sa Cleveland, at isa pang tagumpay sa Game 5 sa Huwebes ng gabi, ang
INDIANS... Indians ay magkakaroon pa uli ng tsansa na maiuwi sa title-starved town dito ang bagay na hindi pa napagwagian sapul nang magawa ito noong 1964 ng dating Cleveland Browns. Pinatalsik ang New York Yankees, inilagay naman ngayon ng Indians sa balag na ng alanganin ang Red Sox. Kahit na tatlong sunod na homers ay hindi magkakapaghabol ang Boston. Matapos ang dayoff, sasandal naman ang Indians sa birador nilang si C.C. Sabathia, ang kanilang kaliweteng lider. Ang counterpart niyang si Josh Beckett ng Boston na tumalo sa Cleveland sa Game 1 sa kanilang teritoryo, ay magtatangkang maibalik ang serye sa Fenway Park. "To be in a position to put us in the World Series is unbelievable," wika ni Sabathia. "I’m going to go out and have fun." Hindi na nakarating ang Indians sa Series sapul noong 1997 at hindi pa nagwawagi ng titulo sapul noong 1948 nang kanilang talunin ang Boston Braves. Ang 59-taong kagutuman ng Cleveland sa kampeonato ay nilagpasan lang ng Chicago Cubs na ngayo’y 99 taong nang wala pang korona. Habang nakikita ang tanglaw ng pag-asa sa Indians, nalalagay naman sa pagkapisak ang Red Sox. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|