|
Special shootout, iginiit ng SEAG Task Force Indians, malapit na rin sa World Series
|
SPORTS
UPDATE
68 kay Nakul, 69 kay Zarate LIPA CITY --- Pumalo ng isang bogey-free four-under-par 68 si Nakul Vichittryuthasastr ng Thailand para makubra agad ang one-stroke lead matapos ang unang round ng Asean Golf Tour’s Philippine leg sa Malarayat’s composite layout dito. Naging perpekto ang 25-anyos na Thai golfer sa matinding buwenamanong round upang banderahan ang local bet na si Danny Zarate ng isang shot at kumabig pa ng 3 shots lead sa iba pang homegrown talents na kinabibilngan din ni Artemio Murakami. Naka-bogey sa par-5 14th hole, si Zarate ay halos katabla lang sa iskor ni Vichittryuthasastr matapos ihulog ang third shot sa 17th para sa isang eagle. Pero na-birdie naman ng Thai ang kanyang final hole upang umigkas sa liderato sa hanay ng mga kalahok na tumutugis sa $30,000 total prize money. Ang hindi gaanong kilalang si Orlando Sumcad ay kapos lang ng dalawa matapos magtala ng 70 tulad ng veteran na si Ruben Sasutil at isa pang Thai na si Ronnachai Jamnong. Kinailangan naman ni Angelo Que ng 35 putts para makumpleto ang kanyang round na 72 para makasama sa lima pang Pinoy na kinabibilangan din nina RP Open winner Robert Pactolerin at Antonio Lascuna.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|