|
Special shootout, iginiit ng SEAG Task Force Indians, malapit na rin sa World Series
|
SPORTS
UPDATE
Special shootout, iginiit ng SEAG Task Force Ni Ramil Cruz Iginiit ng 24th SEAG POC-PSC Task Force ang pagsailalim sa special shootout event kina Jasmin Figueroa at Karen Grace Yasi bukas bago makunsidera ang mga ito para sa RP contingent sa Thailand Southeast Asian Games sa Disyembre. "The Task Force reiterates its decision for a shootout event involving Misses (Jasmin) Figueroa and (Karen Grace) Yasi to be conducted by October 19 2007 (Friday), taking into consideration the deadline for submission of accreditation forms to the Korat SEAG Organizing Committee (KOSOC) before November 1," pahayag kahapon nina task co-chairman Julian Camacho at Ricardo Garcia nang hingan ng reaksyon sa istoryang lumabas sa Abante TONITE kahapon. Nilinaw ng dalawang opisyal, na base sa kanilang mga rekord at diskusyon sa National Archery Association of the Philippines, wala silang natatanggap na kalatas sa tatlong isinagawang qualifying tournaments ng huli para sa RP archery team selection. Gayundin, binanggit nina Camacho at Garcia na nagulat na lamang sila nang makatanggap sila ng tatlong qualifying results sa kanilang mga opisina mula sa NAAP. Sa panig pa ni Garcia, binigyang-diin nito na ang trabaho lang ng task force ay ang isang recommendatory body na umiindorso ng lahat ng bagay na may kinalaman sa pagpili ng mga atleta para sa Thai SEAG at ang POC pa rin ang may pinaleng pasya para sa dalawang Pinay archers. Kamakalawa’y isang thumbs-down ang ginawa ng NAAP officials and board of trustees na bumabalewala sa atas ng task force sa dalawang manlalaro nila kung saan, kinuwestiyon ng mga ito ang nasabing bagay. Nahihiwagaan din ang archery association kung bakit sa dalawa lang ang kautusan at hindi sa lahat ng mga nakapasa sa RP squad gayung magkakasabay na naglaro ang mga players sa qualifying. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|