MALAKAS NGA!

Special shootout, iginiit ng SEAG Task Force

68 kay Nakul, 69 kay Zarate

Indians, malapit na rin sa World Series

No Entry Fee ulutan

LGBA series sa Araneta ngayon

Weigh-in sa UBBA


Inbound


 

 

 

SPORTS UPDATE

Maagap na nakalipad sa pag-lay-up si Lordy Tugade ng Magnolia para maalpasan ang hamon ni Homer Se ng Air21 sa opener noong Linggo ng PBA. (John Paulino)

MALAKAS NGA!

(Ramil Cruz)


Maaga ngang pinagwagaywayan ng Talk ‘N Text ang puwersa ‘di lang sa papel kundi sa tunay na digmaan nang panisin ang Alaska, 113-106, at maibuhol ang maagang triple tie sa tuktok ng standings sa Smart-PBA Philippine Cup elims sa Big Dome kagabi.

Isa nang kontender maski nasa national tri-color pa sa last conference ang tatlong superstar, higit ngang lumakas ang TNT sa pagbabalik-kampo nina Asi Taulava, Renren Ritualo at Jimmy Alapag para sa maagang resbak sa Fiesta tournament tormentor.

Dala ang bigat sa dibdib ng cellular phones dahil sa tinamong masaklap na epikong 7th game Finals sa Alaska may tatlong buwan na ang nakalilipas. Sumirit ang ngitngit ng Phonepals sa third quarter na rito’y kumonekta ng 16-2 attack upang ang single-digit lead na 71-62 ay dumambuhala sa 23, 87-64.

May 17 point na kinabig si Taulava, nagbagong anyo na animo’y terorista sa pagsabing hatid iyon ng inspirasyon sa kanya ng pelikulang 300, habang may mahalaga ring ambag sina Ritualo at Alapag na nagtabla sa kanila sa taas sa opening day winner Magnolia at ang pinalad din sa pampalabok na sultada sa naturang araw na Purefoods.

Kabyos tuloy ang pagpapakitang-gilas din para sa Aces ni reigning MVP Willie Miller na nagtumpok ng 35 points matapos ang ilang maaanghang na mga kataga na paghamon sa team nang na-ejected na coach Tim Cone dahil sa dalawang technical fouls.

Nagbabadya ang lopsided result para sa pangkat ni Derick Pumaren dahil sa 87-64 advantage, 1:01 sa third period. Salamat sa pag-aalsa rito nina Alapag, Jay Washington, na tumapos ding may double figures, Mark Cardona at Yancy de Ocampo.

Naunang humalobilo sa pamumuno ang P’foods makalipas na kalaykayin ang Sta. Lucia, 96-89.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top