|
|
ENTERTAINMENT
Jake, dinaig ang talents ng Dos Habang nag-e-exercise ako kahapon sa gym ay dumating si Kris Aquino at ang crew ng Boy & Kris. Hindi ako ang sadya ni Tetay at ng kanyang staff sa gym na ‘yon kundi sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo. May interbyu ang actress/TV host sa mga bida ng Palos. Nalokah ako nang balingan ako ni Tetay at tumili siya ng, "Jun Lalin, athlete ka na rin?!" Hmph! Mukhang hindi makapaniwala si Tetay na gym buff na rin ako ngayon, huh! Anyway, narinig ko ang dialogue ng isang madalas kong makasabay sa gym na ‘yon. Suwerte raw si Jake at bida na naman ito sa Palos at sabay-sabay halos ang mga show nito sa Dos. Daig ni Jake ang home-grown talents ng ABS-CBN 2. Well, ‘yan din ang madalas na i-text sa akin ng ilang readers ng Abante TONITE. *** Mula sa gym ay dumeretso ako sa supposed-to-be ay last taping ng Magpakailanman ni Mel Tiangco. Sina Diana Zubiri at Paolo Paraiso ang inabutan ko sa set at istorya pala ‘yon ng babaeng nanalo sa ‘Miss Ugly No More’ contest. Dumalaw ako sa taping na ‘yon dahil kumalat ang balitang ‘yon na ang last episode ng Magpakailanman, pero may magandang ibinalita ang executive producer nilang si Joseph Buncalan. Extended nang 4 episodes ang Magpakailanman dahil hindi pa makakapag-taping si Iza Calzado para sa Sindak, ang show na papalit sa timeslot ng show ni Tita Mel. Happy ang staff ng Magpakailanman dahil kahit magtatapos na ang kanilang show ay nananatiling mataas ang rating ng bawat episode nila. *** Noong Lunes ay nagsimula nang mag-taping si Richard Gutierrez para sa bago niyang primetime series sa GMA 7, ang Kamandag. Excited ang binata sa istorya ng Kamandag at gustung-gusto niya ang bagong show na ibinigay sa kanya ng Siyete. Ibang production staff na ang katrabaho ni Richard sa Kamandag. Madaling nakapag-adjust ang binata sa mga ito. Kung mahirap ang mga nakaraang primetime series ni Richard sa Siyete, parang mas mahirap ang Kamandag, pero walang reklamo ang binata. Isa pa, natutuwa si Richard dahil almost two weeks din siyang nakapagpahinga sa Amerika bago sinimulan ang taping ng Kamandag. Noon palang nasa Amerika si Richard at kasama niyang nag-shopping ang nanay niyang si Annabelle Rama ay binilhan na niya ito ng birthday gift. Sa kuwento sa amin ni Bisaya, pinamili raw siya ni Richard ng gusto niyang birthday gift. Sa Oktubre 31 na ang birthday ni Bisaya at gusto raw ni Richard na ito ang unang magbigay ng regalo sa kanya. Puring-puri ni Bisaya ang anak dahil very generous din ito sa mga kapatid. *** Kahit ako ang direktor ng Not Just Duet show sa Zirkoh Timog sa Sabado nang 10:00PM, wala akong ideya kung ano ang gagawin doon ng Studs, ang all-male sexy singing/dance group ng GMA Artist Center. Basta ang sabi sa akin ng handler nilang si Cris, may special number ang Studs at masu-surprise na lang daw kami. "Pinaghahandaan na po nila. Tiyak na matutuwa po kayo sa production numbers ng Studs," sey ni Cris. Bukod sa Studs, magpe-perform din sa show sa Sabado sa Zirkoh Timog sina JayR, Ara Mina, Kris Lawrence, Faith Cuneta at Dr. Manny Calayan. For ticket inquiries, just text me sa cell# 0922-891-9989. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|