|
|
ENTERTAINMENT
‘Marimar’ naka-44.6%
Marami kaming kuwentong napulot doon kaya hindi kami nawalan ng mga istoryang inilahad sa kolum na ito sa panahon ng aming pamamasyal. *** Hindi namin napanood ang interview kay Jennylyn Mercado sa Startalk kung saan may mga pahayag siya ukol sa manager niyang si Becky Aguila. Nang mabasa namin ito ay kagulat-gulat nga ang mga pahayag ni Jennylyn after all those problems na naranasan niya sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN. Aminado si Jennylyn na nadamay siya sa gulong pinasok niya ng manager niya with her home network (GMA 7). Ngayon ay isa si Jennylyn sa tatlong babaeng bida ng telenobelang La Vendetta na malapit nang ipalabas sa GMA 7. Balik-tambalan sila rito ni Mark Herras. Sa binasa namin tungkol sa mga sinabi ni Jennylyn Mercado sa Startalk, halos 90% ng nagkomento sa istoryang iyon ay sumusuporta kay Jennylyn. Sa pagbasa pa lang namin sa mga komentong iyon ay pinapalakpakan si Jennylyn sa mga pahayag nito, lalo na doon sa patungkol sa kanyang manager. Nalokah kami na binansagan pa ang manager ni Jennylyn bilang "moneyger." Talbog! *** Naka-44.6% rating ang telenobelang Marimar para sa episode nito noong Martes. Tama ang nakuha naming impormasyon na maski ang mga taga-exclusive subdivision na tulad ng Forbes Park, Dasmariñas Village at Green Meadows ay nakatutok sa telenobela ni Marian Rivera. Tuwang-tuwa ang mga kasambahay (katulong) nila dahil maski sila ay may oras para tutukan ang Marimar. Late na nagpapasilbi ng hapunan ang mga amo nila matapos panoorin ang telenobelang tinanggihan ni Angel Locsin. Totoo rin ang tsikang nakuha namin noon na maraming mga anak ng mayayamang ito ay nabighani sa kagandahan ni Marian Rivera. Wish nila na maka-date si Marian pero sorry sila, busy si Marian sa kate-taping ng Marimar. Ang Marimar ay napapanood pagkatapos ng successful ding Zaido, Pulis Pangkalawakan na mga bagets ang sumusubaybay pero ngayon pati mga mayedad ay sumsusubaybay na rin dito dahil sa mga nagguguwapuhang ‘Zaido" (lalo na sa Bukol Prince na si Aljur Abrenica). *** Kadarating lang ni Richard Gutierrez mula sa Amerika kung saan isa siya sa maraming mga kababayan natin na nanood ng Pacquiao-Barrera fight. Trabaho agad ang hinarap ni Richard at noong Lunes ang first day taping niya ng Kamandag na dinalaw namin sa kagubatan ng Subic sa Zambales. 2:00 AM na nang nilisan namin ang set ay tuluy-tuloy pa rin ang taping at abalang-abala ang direktor nito na si Mark Reyes. Hindi nila inalintana ang mga naglalakihang lamok doon. Puring-puri nila si Maxene Magalona (isa sa mga leading lady ni Richard) na kahit matagal nahinto sa pag-arte ay wala pa ring kupas. Hindi nagkamali ang GMA 7 sa pagkuha muli kay Maxene na 100% na ang focus sa pag-aartista. *** Ngayong umamin na si Dennis Trillo sa anak na isinilang ni Carlene Aguilar, siguro ay nawala na sa dibdib niya ang matagal na niyang inilihim. Nang makatsika namin si Gladys Guevarra at ang boyfriend nitong si Philip Pereydo noong nasa New York kami kamakailan, doon nila napagtanto na noong kasama nila si Dennis sa isang show sa New Jersey ay lagi itong tahimik at malalim ang iniisip. Napansin din nila na lagi itong nakatanaw sa malayo. Iniisip siguro ni Dennis kung paano niya madadalaw si Carlene na noon ay ipinagbubuntis ang kanyang anak. Matatandaan na sa show na iyon nagkakilala sina Philip at Gladys at doon nagmula ang relasyon nila. Masayang-masaya si Gladys sa pag-aalaga sa kanya ni Philip. Madalas na binubulaga siya ng dozens of roses na pinapa-deliver ng young businessman. Nang makausap namin si Gladys bago kami umuwi ng Pilipinas ay magkakasama silang nagdi-dinner nina Kim de los Santos at ng non-showbiz boyfriend nito. *** Sa 12th anniversary ng Bubble Gang ay gumawa ang grupo ng Bubble Gang, The Movie at nakatakda itong ipalabas bukas at sa Oktubre 26. Ito ay pulos katatawanan, kantahan at action na sila mismong cast ng Bubble Gang (sa pangunguna nina Michael V at Ogie Alcasid) ay tumulong kay Direk Uro de la Cruz. Kinunan ang mga ito sa Metro Manila, Cavite at Batangas. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|