|
|
ENTERTAINMENT
Lolit, ginugulo sa isyung ‘bulungan’ nina Piolo at Sam
Gustong linawin ni Aiko ang tungkol sa anak nila ni Martin na si Martheena dahil sinasabi raw ni Martin na gustung-gusto na nitong makita ang kanilang anak. "I would like to clarify that, parang lumalabas na ipinagkakait ko ang bata sa kanya. You know, if there wasn’t a case, maybe I could’ve shared to you what really happened but… nirerespeto ko pa rin kasi si Martin na kahit sobrang sakit iyung ginawa niya sa akin, I’m not here to destroy him. "I’m not here to ruin him because at the end of the day, hindi ako palaganting tao. "Ang sa akin lang, itrato natin nang tama, dalhin natin sa korte and let the court decide in this matter. Ako, never kong ipinagkait si Andrei kay Jomari (Yllana) at kahit nu’n pa, sinasabi ko on national TV na he can freely visit Andrei. "With Martheena, also in time but not now, because of certain situations that we cannot discuss now," paliwanag ni Aiko. Dapat ay ngayon ang hearing nila sa QC-RTC pero hindi ito natuloy at sa October 26 na raw naka-schedule ang kanilang hearing. Mapapanood sa Startalk ang interview kay Martin Jickain at ang sagot ni Aiko. *** Marami nang nakisawsaw sa isyung pagkakita ni Manay Lolit Solis kina Piolo Pascual at Sam Milby sa isang coffee shop ng Sofitel Hotel. Pati ang Timex ay meron ding statement bilang pagtatanggol kay Piolo na nasa pictorial daw ito kasama si Angel Locsin nung mga oras na iyun, kahit itanong pa raw kay Raymund Isaac na nag-pictorial sa dalawa. Kahapon ay tumawag sa akin ang isang kaibigan na nasa studio ni Raymund Isaac. Gusto raw akong kausapin ni Raymund kaya ibinigay nito ang phone at wala na kaming ginawa ni Raymund kundi tumawa na lang nang tumawa. Natataranta na raw si Raymund dahil ang dami na raw tumatawag at nagti-text sa kanya para tanungin lang tungkol sa isyung iyan. "Sabihin mo naman kay Manay Lolit, huwag na niya akong idamay," pakiusap sa akin ni Raymund. Ipinaliwanag ko naman sa kanya na nadadamay na siya talaga dahil sa katatanggol na rin ng supporters ni Piolo. Ayon kay Raymund, totoong nasa pictorial daw si Piolo nung mga oras na iyun pero hindi lang siya sure kung mga 3:00 PM o 2:00 PM ba ito nakarating. Ang pagkakaalam niya, nandu’n lang si Piolo hanggang gabi dahil hindi raw niya naramdamang umalis ito. Ang hindi lang daw niya matiyak ay kung nasaan si Piolo bago dumating sa kanyang studio. Biglang ni-rewind ko ang mga pangyayari. Nu’ng nakaraang Biyernes, alas-dose nang tanghali ay meeting namin sa Startalk at nagtawagan na kami ni Manay Lolit dahil ang sabi niya, dadaan siya sa meeting. Hindi siya nakarating at ilang sandali lang, tumawag na si Manay Lolit sa akin at ang bungad niya, "Ang suwerte ko naman ngayong hapon. Hulaan mo kung sino ang nakita ko," bati agad sa akin. Doon na niya ikinuwento ang nakita niya sa coffee shop na iyun na ikinataranta raw ng mga waiter at nitong sina Piolo at Sam. Hindi raw niya mabati ang dalawa dahil parang nabigla rin siya at nakita lang daw niya sa corner ng mata niya na biglang nag-ayos ng upo ang dalawang aktor. Ang gusto lang iparating ni Manay Lolit sa lumalaking isyung ito, "Naku, huwag na nila akong guluhin! Nagkuwento lang naman ako na nakita ko silang nagbubulungan doon. Ano ngayon? Bakit sila OA na mag-react?" *** May natanggap na naman akong text message galing sa cell# 0910-962-7481: "Bayad na ba ang tf n’ya si Jennylyn Mercado sa Angels, ung pnroduced nina Becky at Angel na movie? Naniningil pala si Becky ng mga binigay niya financial helps kay Jen. At total ang laki ng perwisyong ginawa ni Angel kay Jen sa paglipat niya sa 2. Tutal ang laki ng kinikita ni Angel at Becky sa 2. Sana maalala man lang nila bayaran ng tf si Jen sa Angels, kahit pa nilangaw ang pelikula. Makunsensya sila. Maawa sila kay Jennylyn." Iyun ang kabuuan ng text sa akin. Sinadya ng Startalk si Jennylyn sa first day taping nito sa La Vendetta para iparating sa kanya ang text na iyun. Sa unang tanong sa kanya ng Startalk reporter, sinagot ito ni Jennylyn na ang pagkakaalam daw niya ay "for the love of" daw ang pagsali niya sa pelikulang iyun kaya wala itong inaasahang talent fee sa pelikulang iyun. Hindi natapos ang interview dahil kailangan na si Jennylyn sa taping. Itinuloy ang interbyu pagkatapos ng take. Pagbalik ni Jennylyn ay sinagot na ito ng Mommy Lydia niya na bayad na raw sila sa pelikulang iyun. Nag-agree si Jennylyn na bayad na raw pala siya matagal na. Iyung huling sagot na lang niya ang ilalabas ng Startalk at hindi na ang una niyang pahayag. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|