|
|
ENTERTAINMENT
Alessandra, pwedeng maghubad sa magasin
Dayalog sa amin ni Alex sa pocket presscon nila ni Eric Quizon para sa Hide and Seek nu’ng Martes nang gabi sa Imperial Palace, naniniwala siyang may mga multo at may nakakaranas ng mga kung anu-anong kababalaghan, pero bilang isang Christian ay naniniwala siyang lahat ito ay kagagawan ng demonyo. Kung sa dalawang naunang horror flicks ni Alex ay siya ang tinatakot ng multo, sa Hide and Seek ay siya mismo ang nananakot. Ipinakita niya sa amin from her celfone ang picture niya na may prosthetics siya sa mukha at in fairness ay natakot kami sa kanyang itsura. Ang galing ng prosthetics makeup niya na may malaking slash o wakwak sa kanyang mukha si Alex. Isang oras daw nilalagay ‘yon sa fez niya kaya nag-iinit ang ulo niya at nahihilo siya pagkatapos. Ganda-gandahan nga-yon si Alex sa timbang niyang 96 lbs. Tamang-tama ang katawan niya at hindi siya mukhang tingting sa kapayatan. Sey niya, 100 lbs. ang kanyang ideal weight. Kahit payat si Alex ay sexy at senswal ang dating niya sa kalalakihan, kaya inusisa namin siya kung type niyang mag-pose sa FHM tulad ng ginagawa ng napakaraming young stars ngayon. "Ayoko! I’m not a sex symbol, I’m a love symbol! Ha! Ha! Ha!" tawa ng dalaga. Katwiran niya, ayaw niyang mag-pose sa men’s magazines dahil ayaw niya na sexy image ang tumatak sa isip ng mga tao ‘pag nakikita siya. Alam niya na may mga sexy and erotic portions sa mga ganu’ng uri ng babasahin kaya hindi niya feel. "Syempre, alam ko ‘yon. Nag-pose ang ate (Assunta) ko sa ganu’n, ‘no! Hindi naman ako tanga," kaswal na sambit ni Alex. Dagdag niya pa, kaya niyang magpa-sexy sa mga pambabaeng magasin o fashion mags, bakit sa men’s mag pa? Ang pinagkaiba raw sa female mags ay hindi kalaswaan ang makikita mo rito kundi fashion at lifestyle features. "Pwede akong maghubad sa pambabaeng magazine!" hirit sa amin ni Alex. Hanggang saan ang kaya niyang ipakita? "Kita fefe! Ha! Ha! Ha!" very kikay na sagot niya. "Hoy, huwag n’yong isusulat ‘yon! Joke lang ‘yon! Huwag kayong ganyan, sweet ang image ko!" tili ng hitad, na pilit binabawi ang sinabi niya. Nu’ng 2003 ay nag-pose pala si Alex sa Singapore edition ng Maxim magazine bilang promo ng pelikula niya roon na The Maid. Nahiya siya sa kanyang Singaporean producer kaya niya ginawa ‘yon. Kahit Maxim ‘yon ay wholesome ang kanyang pictorial. Kulay pink na two-piece swimsuit ang sinuot niya pero hindi raw ito malaswa, sabi ni Alex. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|