TV Ratings

Terror-rific treats ng PBO

'Litanya' ng movie writers, mas pinainit


Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Paseksihan sa Bahay ni Kuya

(ABU TILAMZIK)


Mistulang may paseksihan ang female celebrity housemates sa PBB Celebrity Edition 2 ng ABS-CBN.

Si Riza Santos ay beauty titlist, at pabalat sa October 2007 edition ng FHM.

Si Zara Aldana ay ‘quitter’ sa Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific.

Maalindog ang dalawang hitad mula sa Deal or No Deal na sina Marylaine Viernes at Jen Da Silva.

Ganu’ndin si Megan Young (ang unang produkto ng StarStruck na lumipat sa ABS-CBN), at ang ‘Racing Goddess’ na si Gaby de la Merced (pabalat sa February 2007 edition ng FHM).

Si Yayo Aguila… pwede bang ituring na ‘hot mama’?

Ang na-‘trap’ kahapon sa Bahay ni Kuya na si Mariel Rodriguez… kukuwestyunin mo pa ba ang kaseksihan?

***

As of presstime, ang mga lalaking celebrity na pumasok na sa Bahay ni Kuya ay ang mga modelong sina Will Devaughn at Victor Basa, ang magkapatid na Baron at Donald, ang komedyante mula sa Davao na si Ruben Gonzaga, si Mcoy Fundales ng Orange and Lemons, at ang baguhang aktor na si Jon Avila.

***

‘The Brainy Babe’ ang  taguri sa 21 y/o na si Marylaine Viernes.
Full scholar siya sa De La Salle University, consistent na Dean’s lister, at aktibong tagapagsalita para sa isang grupo ng kabataan na nag-a-advocate ng pakikipaglaban sa cervical cancer.

Mahilig siyang sumayaw at magsulat. Pangarap niyang magwagi ng Palanca Award.

***

‘The Despised Babe’ naman si Jen Da Silva.

Frank si Jen at straightforward ang kanyang attitude.

Anak siya sa labas ng isang kilalang artista noong 1980s.

Naging independent siya sa edad 9.

***

‘The Good Brother’ si Donald Geisler.

Pitong taong gulang siya nang magsimulang mag-taekwondo.

Nagwagi siya ng limang SEA Games gold medals, dalawang Asian Games silvers, at 7th placer sa Olympics.

Una siyang nagkaroon ng pagkakataong maging kinatawan ng bansa noong maging varsity siya sa University of Santo Tomas.

Mapapanood ang PBBCE Uber tuwing 5:30 PM, at ang PBBCE Primetime tuwing 9:30 PM sa ABS-CBN.

***

Sa telefantasyang Zaido, may bagong pagsubok kina Odillon, Alexis (Marky Cielo) at Cervano (Aljur Abrenica).

Sa pagsubok, kailangang iligtas si Odillon na napalilibutan ng apoy.

Malalaman na ang tunay na identity ni Odillon.

Umiinit naman ang ‘selosan’ nina Alexis at Cervano dahil kay Amy.

***

Pangungunahan ni Benjo Suarez ang fashion-musical extravaganza na Island Boylets mamayang 11:00 PM sa Club Manhunt, #2 Timog Av., QC (tapat ng Music Box).

Ang tiket ay P300. Para sa mga detalye, makipag-alam kay Franchesca Quinlan sa cell# 0905-360-6027.

***

Screening ng Fresh Faces Image Model Search 2008 bukas at sa Sabado nang 2:00-5:00 PM sa Penthouse ng Future Point Plaza, 112 Panay Av., QC.

Bukas ito sa mga lalaki at babae na 17-22 y/o, sariwa ang mukha, flawless ang skin, may itsura, 5’8" pataas sa lalaki at 5’5" pataas sa babae.

Magdala ng mga litrato at swimwear. Para sa mga detalye, makipag-alam kay Robin Jose sa cell# 0926-713-1934, o kay Abet Dolorfino sa tel.# 410-6374, 410-1824.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top