Cyber Prayer

Romance Tonite

Hardliner

Walang Bolahan

Usapang Legal


Ang pitak na ito ay bukas at handang magpayo sa problemado ninyong puso. Isulat lamang at ipadala ang inyong mga liham sa Abante TONITE c/o Tita Nora, 3rd Floor, BF Condominium Bldg., Solana cor. A. Soriano Sts., Intramuros, Manila.

 

PUBLIC SERVICE

Masama ang tama


Dear Tita Nora,

Matindi ang tama ko sa bagong lipat naming kapitbahay, si Susan.

Lagi akong nakatanod sa kanya. Nang ‘di na ako makatiis ay niligawan ko na siya. Akala ko ay wala pa siyang syota dahil wala akong nakikitang kasa-kasama niya, pero meron na pala at nasa abroad lang.

Prangkang babae si Susan. Pagkatapat ko sa kanya’y tinapat din agad niya akong may boyfriend na siya.

Parang iba ang dating sa akin ng pambabasted niya. Para siyang nakalalake kaya ‘di ako tumigil sa panliligaw. Ipinagpatuloy ko ang pagdiga sa kanya. Pero ganu’n pa rin ang sagot niya -- wala na raw talaga akong pag-asa.

Hindi ko alam kung bakit ayoko siyang tantanan. Hindi naman siguro masamang ligawan pa siya tutal ay wala pa siyang asawa. Ano ang gagawin ko para mapasaakin siya?

Edy

Dear Edy,

Maging sport ka sana at matutong tumanggap ng pagkatalo, iho. Alalahanin mo sanang ang pag-ibig ay para ring boxing. Win or lose kumbaga.

Masakit mang tanggapin pero ang pagbasted sa iyo at pag-aming may boyfriend na si Susan ay senyal lang na wala ka talagang dating sa kanya.

Hindi masamang patuloy na mahalin ang isang tao. Pero ang ipagpilitan mo ang sarili mo sa kanya at hingin ang pag-ibig niya, kahit na alam mong ayaw niya dahil committed na siya’y mali na, iho.

Kaya kung ngayon pa lang ay batid mo nang wala ka ring mapapala ay huwag mo nang sayangin pa ang oras mo at oras niya.

Maraming babae, Edy kaya kung ayaw mong mapahamak at komprontahin ng bf niya’y maghanap ka na lang ng iba at ipaubaya na lang siya sa taong mahal niya.

Good luck and God bless you.

Love,

Tita Nora

 

Ang pitak na ito ay bukas at handang magpayo sa problemado ninyong puso. Isulat lamang at ipadala ang inyong mga liham sa Abante TONITE c/o Tita Nora, #167 Liberty Bldg. Roberto S. Oca St., Port Area, Manila.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top