|
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa TONITE o paki-email siya sa doktoraholmes@ yahoo. com Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot nang personal.
|
PUBLIC
SERVICE
Tama ang iyong desisyon Dear Dr. Holmes, Good day! I’m Cecile, 22 years old and working in Dubai. Papaano po ba makakalimutan ang isang lalaki kung pa minsan-minsan sumasagi s’ya sa isip mo at minsan hinahanap-hanap s’ya ng katawan mo. Pero gusto mo na s’yang kalimutan dahil bawal ang relationship dahil may family ‘yung lalake, but ‘yung lalake ikaw ang gustong maka-make love at hindi ‘yung real wife n’ya. Sana po mapayuhan n’yo po ako. Umaasa, Cecile Dear Cecile: Maraming salamat sa iyong sulat. Alam kong napakahirap pigilin ang iyong damdamin ngayon. At napakalaki ng tuksong (temptation) bawiin ang lahat at sabihin sa lalaking ito na mag-umpisa na naman kayo, lalu na dahil ikaw ay napakabata, at marahil nag-iisa sa Dubai, kaya itong lalaking ito ay hindi lamang naging nobyo mo, pero palagay ko, best friend at pamilya mo na rin. Hangang-hanga ako sa iyo na, kahit na mahal mo siya, dinesisyon mo pa ring tapusin ang relasyon ninyo dahil mayroon na siyang pamilya. Hindi lahat ay handa o kayang gawin ito, Cecile. In fact, ito ay nagagawa lang ng mga taong matatag ang loob at nagbibigay kahalagahan sa kabaitan at hindi pang-aagaw ng isang may asawa na, kahit na mas gusto niyang makisiping sa iyo kaysa sa tunay niyang asawa. Ang nakakagulat lang dito ay, ngayon na naka-decide ka nang gawin ang mahirap-tapusing relasyon-hindi mo na expect na mayroong mas mahirap pang mangyayari sa iyo: ang pagka-miss sa kaniya at tuloy ang pagkaduda kung ang unang desisyon mo ay tama. Una, let me reassure you na tama ang iyong desisyong iwanan siya, Cecile. Kahit mas gusto niyang mag-make love sa iyo kaysa sa asawa niya, hindi pa rin ‘yun mababago ng sitwasyon, na siya ay may pamilya na. Kahit na kayo ay parang talagang magnobyo habang kayo ay nasa Dubai, hindi pa rin ‘yun mababago ng situwasyon, na sa Pilipinas ang tunay niyang asawa at mga anak ay naghihintay sa kaniya. Tama ang ginawa mo, Cecile, pero hindi ibig sabihin na hindi mo na siya ma-mimiss o hindi hahanapin ng katawan mo ang mga nangyari sa inyo. At alam ko na masakit ito, Cecile. Mabuti na rin na ginawa mo na ngayon kaysa mas tumagal kayo. Kasi, ang hirap at lungkot na dinadaanan mo ngayon ay magiging mas mahirap pa kung patatagalin mo ang relasyon ninyo. Pangako ko sa iyo, na unti-unting mababawasan na rin ang pagsagi niya sa isip mo sa mga oras na hinahanap siya ng katawan mo. Pangako ko rin na dadating ang araw na ikaw ay magiging handang magmahal uli. At kapag ikaw ay nakahanap na ng lalaking walang sabit at libreng magmahal sa iyo, magugulat ka sa sobrang tamis, sarap, at ligaya na madudulot ng isang relasyon na may karapatang mangyari. Ingat, dearest Cecile -- MG Holmes Si Dra. Holmes ay sumusulat sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes at sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sulatan siya sa kaniyang website www.margaritaholmes.com. Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot ng personal.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|