SUHOL NI GLORIA
DOWNPAYMENT PA LANG

JDV sa Malacañang:
Linisin ang gabinete

GMA, ubos na ang 
oras mo! - Ping

Civil war nakaumang na

Alan ipinasisibak sa blue ribbon

MALACAÑANG, BINALAAN LABAN SA ‘PAGPAPARUSA’ KAY PANLILIO


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

MALACAÑANG, BINALAAN LABAN SA ‘PAGPAPARUSA’ KAY PANLILIO


Binalaan kahapon ni Makati Mayor Jejomar Binay ang administrasyong Arroyo laban sa pagsuspinde kay Pampanga Governor Ed Panlilio bilang "parusa" sa pag-amin nitong binigyan siya ng pera ng mga opisyal ng Malacañang noong nakaraang linggo.

"In the eyes of Malacañang, Gov. Panlilio is now an enemy of the administration, and I suspect they intend to deal with him in the same manner that they have dealt with critical local officials," ani Binay.

Ang ginawang pagbubulgar ng dating pari -- na binigyan siya ng P500,000 sa ginanap na pulong sa Malacanang -- ay naging dahilan ng panibagong panawagan para sa impeachment ng Pangulo.

Ayon pa sa mayor, sa "vindictive nature" ni Pangulong Arroyo, hindi na nakakagulat kung sa hinaharap ay isampa umano ang reklamo laban sa gobernador ng Pampanga, na magiging basehan para suspindehin umano ito ng palasyo o ng Ombudsman.

"It would really be another sad day for our country if Malacañang suspends a local officials for being honest," aniya.

Kapag nangyari umano ito, sinabi ni Binay na kanya nang nakikita na mangyayari rin sa Pampanga ang October 17-19, 2006 mass action sa Makati City Hall at sa pagkakataong lang umano na iyon, palagay pa ni Binay, na hindi umano makakaligtas sa political fall-out ang Malacañang.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top