SUHOL NI GLORIA
DOWNPAYMENT PA LANG

JDV sa Malacañang:
Linisin ang gabinete

GMA, ubos na ang 
oras mo! - Ping

Civil war nakaumang na

Alan ipinasisibak sa blue ribbon

MALACAÑANG, BINALAAN LABAN SA ‘PAGPAPARUSA’ KAY PANLILIO


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Civil war nakaumang na

 (RMarfil/BTaguinod)


Ganito ang naging babala ni Sen. Rodolfo Biazon kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahapon matapos ang pag-amin ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dismayado ang mga sundalo sa kaliwa’t kanang usapin sa suhulan lalo’t bigo ang gobyernong tugunan ang benipisyo ng mga ito.

Ayon kay Biazon, chairman ng Senate committee on national defense and security, nakaaalarma ang deskrispyong ibinigay ni Philippine Marines (PM) Commandant Major General Benjamin Dolorfino sa damdamin ng mga kasundaluhan.

Hindi inalis ni Biazon ang senaryong magkaroon ng panibagong pagkilos upang pabagsakin si Mrs. Arroyo lalo pa’t kaliwa’t kanan ang akusasyong nagkaroon ng suhulan, maging ang anomalyang kinasasangkutan ng mga government officials.

Mas lalong nakadagdag sa gulo ang magkakaibang bersyon ng Malacañang at AFP sa kawalan ng pondo para bayaran ang combat pay ng mga sundalo.

"Then there was a pronouncement by no less than the AFP chief of staff that the delay in the payment of the soldiers combat pay is cause by lack of fund," ani Biazon, dating chief of staff ng AFP.

"The government must provide a credible and logical explanation to all these issues otherwise, God forbid the prophesy of Major General Dolorfino warning of the possibility of a civil war erupting could become a reality," ani Biazon.

Samantala, sa panayam kay Nueva Ecija Rep. Edno Joson, kinumpirma nito na maugong ang balitang "dismayado" muli ang maraming sundalo dahil sa isyu ng payola.

"Balita nga ay medyo bumaba ang kanilang morale. Biro mo, binibigyan ng P500,000 ang mga congressmen at gobernador samantala ‘yung combat pay, hindi maibigay-bigay," pahayag ni Joson.

"Wala pa yatang two hundred pesos ang ipinangakong combat pay pero hindi maibigay samantalang kayang-kaya palang suhulan ang mga congressmen at gobernador ng five hundred thousand," dagdag pa ni Joson.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top